Nakatingin lamang sa malayo si Elle habang nilalaro ang wine sa kaniyang kamay. Naghihintay siya kay Inez. Kumuha siya ng condo unit nito na pag-i-stay-han. Inasikaso ni Inez at ngayon nga ay naghihintay na siya. Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at kaagad na nasilayan ang mukha ni Maddison na ngayon ay malapad na ang ngiti. “Elle,” aniya at nagsalin kaaagd ng wine at hinayaang laklakin iyon. “Goodness! Muntik ko ng makalimutan ang lasa nito,” sambit nito at tiningnan siya. Nakamasid lamang si Elle sa kilos niya at huminga nang malalim. “Iza, Iza ang itawag sa ‘kin. Iza Escobar,” wika niya rito. Kumunot naman ang noo nito pero ngumiti na lamang. “Tell me, what is your plan now?” tanong nito. Napatingin naman si Elle kay Inez. “I already talked to one of the executives sa

