Nakatingin lamang nang mariin si Samantha kay Elle habang hawak-hawak ito ni Linda at pasakay na ng chopper. Nakatayo lamang si Lorenzo, Elle, at Inez habang nakatingin sa kanila. “Pagsisisihan mo ‘to, Elle. Sana habang-buhay kang usigin ng konsensiya mo. Sa tingin mo ba talaga magiging masaya ka ha? Sinira mo ang buhay ko. Para mo na rin akong pinatay. Itatanim ko sa utak at puso ko na ikaw ang pumatay sa ‘kin. Mamamatay tao ka!” singhal nito sa kaniya. Tiningnan lamang siya ni Elle at nginitian nang matamis. Kaagad na naalarma naman ito sa reaksiyon niya. “B-Baliw ka,” saad nito. “Those were empty threats, kaya ako natutuwa. Kapalit ng desisyong ito ang safety ng pamilya ko at ng ibang tao. Kapalit ng buhay mo ang peace of mind ng mga tao. Wala ng mas deserving pa sa ‘yo kung hindi a

