Pagkauwi ni Irya ay kaagad na napaupo siya sa living room. Sobrang tahimik at hindi siya sanay. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung may message ba ang asawa niya subalit wala. Nagtipa siya sa cellphone at tinanong lang naman ito kung anong oras uuwi para makapaghanda siya ng pagkain. Saktong oras lang talaga ang ni-reply nito. Irya: Anong oras ka uuwi? Husby: 7pm Kaagad na nagtipa siya ng reply rito at napangiti. Irya: okay, I'll cook dinner for us. Ingat ka! Pinatay na niya ang kaniyang cellphone at humiga pa saglit. Napagod siya sa lakad niya kanina. Pero worth it naman iyon kasi may sasakyan siyang bago. Five pm pa naman kaya may oras pa siyang mag-prepare. Pumunta na siya sa kusina at nagluto ng kanin. Madali lang iyon dahil may rice cooker naman. Nag-searc

