“Aalis ka?” usisa ni Inez sa kaniya. “Oo, magkikita kami ngayon ni, Sam,” sagot niya. Napatayo naman si Maddison at nilapitan siya. “Gabi na, Elle. Hindi puwedeng aalis ka na walang kasama. Alam mo kung anong klaseng tao ang babaeng ‘yon. Sa tingin ko nga ay nagdududa na siya sa ‘yo,” wika nito. Huminga naman siya nang malalim. “Hayaan niyong laruin ko ang laro niya. Alam kong may iba siyang plano sa ‘kin. Huwag kayong mag-alala, hindi naman ako mamamatay,” sagot niya. “Bibig mo,” inis na sabat ni Inez at sinamaan pa siya ng tingin. Isinuot na niya ang heels niya at nginitian ang dalawa. “Mas maganda kung dito ka na lang muna, Maddie. Huwag kang aalis, kung aalis man dapat magkasama kayong dalawa,” aniya. “Eh ikaw? Ikaw lang mag-isa roon. Dapat nga magkasama kayo ni, Inez,” saad n

