TAGPO: Sa harapan ng paaralan, maliwanag ang araw at puno ng kulay rosas na bulaklak ang mga puno sa paligid. Masaya ang mukha ni Yvone habang hawak niya ang kanyang bag. Nakatingin siya kay Lucian habang naka-park ang sasakyan nito sa tapat ng gate. Nakasuot pa rin si Yvone ng singsing na ibinigay sa kanya kagabi—kumikislap ito tuwing tinatamaan ng araw. “Where is my kiss?” tanong ni Lucian habang bahagyang nakayuko palabas ng bintana, nakangiti at mapang-akit ang tono. “Lucian!” mahinang sigaw ni Yvone habang napapikit at kinapula ang pisngi. Lumingon-lingon siya sa paligid, baka may ibang makakita. “Dito mo pa talaga naisip mag-demand ng kiss?” “Ssshh, secret lang naman natin ‘to. Isa lang sa pisngi, promise.” sagot ni Lucian habang itinuturo pa ang kanyang pisngi. “Fine.” ani Yvon

