NAPANGITI si Markus nang makita niya si Patricia. Abala ito sa pananood ng series sa TV. Naalis na rin ang neck extrication collar nito dahil bahagya nang gumagaling ang leeg nito. Ganun pa man ay ayaw niyang nagkikilos ito dahil baka mabigla at sumakit na naman. “Kumusta ang mahal ko?” tanong niya sa nobya. Nilapitan niya ito at kinantilan ng halik sa labi. “Ito nababagot na,” ismid na sagot sa kanya ng babae. “Gusto ko ng lumabas ng kwarto. Maglinis ng bahay at magdilig ng halaman,” napapangiwi pa nitong wika sa kanya. “Huwag kang mag-alala dahil naghihintay naman sayo ang mga ligpitin mo. Sa katunayan nga ay punong-puno na ang lababo sa dami ng hugasin. Ang mga halaman naman ay napuno ng halamang ligaw. Makakapaghintay naman daw sila hanggang sa paggaling mo,” biro niya. “Puro ka ka

