ISANG malakas na sampal ang ibinigay ni Oliver sa kanyang kapatid sa labis na galit niya. Kanina niya pa iyon gustong gawin pero nagtitimpi lamang siya. “Sinabi ko na sayong mag-isip kabago ka kumilos! Ano ba talaga ang gusto mo? Ang pareho tayong mapahamak dahil sa pagiging pabaya mo? May utak ka naman pero hindi mo ginagamit!” sigaw niya pa. Pinunasan nito ang dugo sa labi pagkatapos ang tinitigan siya. “Ano ba ang masama kung nakipag-usap ako kay Patricia? Bakit ba big deal yun?” tanong nitong galit na galit. “Makikipag-usap ka sa labas ng banyo? Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo, ano ang iisipin ng mga taong naroon? Feeling close lang?” “Wala akong ginagawang masama, okay? Mahahalata tayo kung aarte kang parang nakagawa ako ng malaking kasalanan!” sigaw nito sa kanya kung kaya lalo

