Mabilis na sumunod si Keith dahil nakita ko siya na nagmamadaling lumabas ng hotel. Hindi niya pa naibubutones nang maayos ang suot niyang polo. I softly chuckled to myself while watching him. Hinintay ko siya na maabutan ako. Panting, he stood in front of me. Inayos ko ang polo na suot niya pati na rin ang pagkakabutones niyon. "Yeah, very sneaky, Maja. Pagkatapos mong—" "Tara na, pasok na tayo, gutom na ako," pagbabago ko sa usapan. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit. Nakakatawa lang dahil hindi naman ako madalas na ganito. Ngayon lang, lalo na kapag nasa malapit si Keith. I hope I can tell him straight that I love him without getting scared. He opened the door and his other hand rested on my hip. Kinawayan kami ni Krystal papunta sa isa sa mga table. Nandodoon na si G

