Dalawang buwan na simula ipinanganak ko si Arthur at malapit mag isang taon ang paglaho ni Anita. Habang dumadaan pa ang mga araw lalong nagiging mabagsik si Jordan. Wala pa akong nakukuhang lead kong nasaan siya kaya nagtitiis ako sa pagiging katulong dito sa kanyang bahay. Wala naman mahirap linisin kasi ako lang naman ang nakatira pero maluwang ang kanyang bakuran. Kinakaawaan naman ako ni Manang Lydia kaya kahit ayaw ko tinutulungan parin niya ako sa pag aalaga kay Arthur. Alam kong nakikita ni Jordan ang lahat kaya aasahan ko ang mga katakot-takot niyang parusa. Haaay! Malalim kong buntonghininga. Napatigil ako sa pagmumuni-muni sa pagtunog ng doorbell wala si manang dahil pumunta sa palengke. "M-Mom!" Gulat kong pagbukas ng pintuan. "Mag-impake ka ng mga gamit ni Arthur at isasama

