Andito na kami sa Soledad Hospital kung saan nakaconfine ang aming anak. Simula ibinalita ko ang nangyari kay Jordan ay hindi na umiimik ang aking asawa. Nagbago din si Lorie simula nakalimutan ni Jordan ang maging mabuhay nang masaya naging plantita at artist na siya sa bahay. Bihira siyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya. Mahirap pilitin ang taong sumunod sa ating kagustuhan pero hindi mababagong siya ang ina ng aking mga naak at mahal ko siya! "Daddy!" Umiiyak na bungad ni Samantha pagkakita sa amin. "Kumusta na siya Samantha?" "Still asleep dad. Sabi nung doktor niya, patuloy lang daw po siyang kausapin pero nasa kanya parin kung gusto niyang mabuhay pang muli o hindi na." Umiiyak niyang paliwanag habang nakatitig sa kanyang kapatid na halos mukhang patay na sakanyang kalagaya

