Pagkalabas ni Van sa pintuan hindi na napigilan ni Jordan ang humagulgol sabay suntok sa mesa. Kahit ako mabigat ang kalooban sa aking nakikita sakanya. Taon ang inaantay mo para makita silang muli ngunit ayaw ng tadhana na kayo'y magkita. Gaano kasakit na sa larawan mo nalang sila paulit-ulit na tatanawin. Sh*t! Sobrang sakit niyan at bigat sa dibdib walang pinagkaiba sa ikaw ay namatayan. Pinanood lang namin ni tito James ang pag-iyak niya at paulit ulit na tinitignan ang kanilang mga larawan. Gwapo ang kanyang panganay na habang lumalaki ay nagiging kahawig ni Jordan. Lumagi pa kami sa opisina ng isang oras bago tuluyang umalis at nagpahatid siya sa kanyang mansion. "Manang Lydia!" Kanyang pagtawag pagkarating namin. "Sir Jordan." "Tawagin niyo ho si Diane?" Napatitig ako sakanyan

