Dalawang buwan na ang nakakaraan simula manganak ako kay Venus, unti unti na ring bumabalik ang hubog ng aking katawan. Maalaga si halmeoni (grandmother) lalo sa aking mga kinakain at regular akong may ensayo paniniwala niyang mapapabilis ang paggaling ng bagong anak. Lumapit ako sa isang maliit na pond nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila. Ayaw magpaawat nanaman ng aking luha sa paglabas.. Diyos ko! Bakit ang hirap lumimot apat na buwan na ang nakakaraan pero lalo pa siyang dumadalaw sa aking isipan. "Why are you crying again princess?" Tanong ni lola hindi ko namamalayan nakalapit na pala siya. Pinahid ko muna ang aking luha bago siya sinagot. "No grandmother I'm fine I just miss home." Pagsisinungaling kong sagot. "This is also a home princess. Think that this is your home altho

