Totoo talaga ang kasabihang nakakatakot magalit ang isang mabait na nilalang. Nakilala ko si sir Jordan na masayahin, malambing, palabiro at maalaga ngunit yung nasaksihan ko ngayon tamang ikakakilabot ng iyong budhi. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang tirik at umaapoy na galit niyang mata. Bawat katagang lumalabas sakanyang bibig ay makamandag at tagos sa iyong buto ang dating. Gusto kong tulungan ang babaeng kanyang inuwi ngunit kabilinbilinan niyang huwag kong tutulungan. Sino ba kasi ang babaeng ito para mabilis pa sa ipoipo ang pagpalit ng kanyang awra. Nakakatakot na sa isang pagkakamali ay basta nalang kumidlat ng malakas. "Mam samahan kona po kayo sa inyong magiging silid." Tumingin lang sa akin na may paghinging saklolo. "Jordan I'm your wife, you shouldn't treat me this

