Bwisit talaga ang lalaking yun! Paano nanaman kaya niya ako nahanap. Malayo na ang Australia dito sa Pilipinas. Simula tumawag siya noong nakaraang araw naaalarma akong baka bigla nalang siyang sumulpot sa kung saan at matuloy ang balak niyang panggagahasa sa akin. Kinikilabutan ako na siya lang pala makakuha ng bagay na pinakaiingatn ko ng ilang taon. "Samantha hindi kapa ba uuwi?" Tanong ni Rex pagkapasok sa opisina. "Mamaya pa Atty." Tipid kong sagot sakanya. "Tara sabay na tayo at makapagdinner doon sa paborito naming kainan ni Jordan." Alok niya. "Saglit lang Atty. kukunin ko lang mga gamit ko." "Rex nalang itawag mo sa akin wala namang ibang tao rito, parang hindi mo naman ako kilala niyan!" Ngumiti lang ako sakanya. Pakiramdam ko kami ay magkasintahan na pumunta dito para magd

