THE HANDSOME BOSS

1640 Words
Nasa harapan na kami sa Hotel na pinapasukan ni Lauren at kabado akong makaharap ang kanyang amo. Sana mabait siya at kami'y magkakasundo. Sana'y akong ako ang boss hindi 'yong ako ang uutusan o maninilbihan sa ibang tao. Pero kailangan ko ding gawin ito hindi lang dahil kay Lauren at Jay-ar kundi para sa sarili ko. Kailangan kong umusad para sa pag-asenso ng buhay ko. Kahit usad pagong pa yan basta my patutunguhan. "Good morning Sir Jordan. Siya po ang tuturuan kong papalit sakin." Bungad bati ni Lauren pagkarating ng kanyang amo. Muntik ng mapabuka ang bibig ko para magsabi ng WOW. Hindi ko naman kasi aakalain na makalaglag panty pala ang magiging amo ko sa kagwapuhan. Lintek! Makakapal ang kilay na parang sinadyang pina-ayos, mapula-pula ang maninipis niyang labi na maaakit kang halikan, maganda ang kanyang malalim na kulay bughaw na mata, tamang hugis ng mukha katulad ng mga japanese anime at matangkad na pwedeng maging kasapi ng basketball game. Maganda rin ang kanyang pangangatawan dahil halata mo naman sa pagputok ng kanyang muscles at abs sa suot niyang fitted polo at amerikana. Nasaan ang hustisya na perpektong anghel ang nasa aking harapan! Maglalaway ka nga naman sa kanyang angking kagwapuhan at gandang lalaki. Hmmp! Nagising lang ako sa pagpapantansiya sa pagsiko ni Lauren sa aking tagiliran. Tumikhim muna ako bago magsalita dahil nanunuyo ang aking lalamunan sa kanyang makalaglag panty na kabuuan. Syet! Ngumiti pa ang hayop para maakit ako sa pantay-pantay at puti niyang ngipin. Lintek lang ang hindi maakit sakanya. Paano natagalan ni Lauren maging amo ito. "Good Morning Sir Jordan. I'm Anita Paloma." Pagpapakilala ko naman sa aking sarili na kunwari hindi apektado sa gandang lalaki niyang taglay!.. Letche siya! "Pleased to meet you, Ms. Paloma!" Nanginig ang buo kong katawan pagkarinig ng kanyang malalim na boses. Nagdalawang-isip akong makadaupang palad siya. Kinalma ko ang aking sarili bago abutin ang kanyang kamay. May boltaheng tumusok-tusok sa aking kamay pagkadampi ng kanyang palad sa aking palad. Nanghina akong tumingin sakanyang mata. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala, ang boses niya at kung paano siya tumingin. Bakit parang dumampi na sa katawan ko ang kanyang kamay. "Pinsan mabait ang ating boss, may pagkaistrikto nga lang kapag trabaho ang pag-uusapan. Siya yung tipo ng taong huwag dadalhin ang personal mong buhay sa trabaho pero nakakaintindi naman siya sa mga emergency. Galit din siya sa makalat na opisina, gusto niya maging organize. Para sakanya, malinis kang tao kung malinis din ang cubicle mo. Pinakahuli, impromptu siya humihingi ng reports. Kaya niya ginagawa yun para masiguradong lahat ng empleyado ay nagtatrabaho hindi pumipitiks." "Naintindihan ko pinsan." "Black coffee lang siya at konting sugar tuwing umaga, bihira siya mgrequest ng kape maliban kong pagod siya at tensyonaado." "Trabaho mo ring magpadala ng mga congratulatory flowers and messages sa mga bussiness partners niya. Hindi sapat sakanya ang kumain sa labas. Isama mo ring padalhan ng puting bulaklak ang mga flings niya." Sabay tawa ng malakas. "Pati ba naman yun pinsan ako ang gagawa?" "Oo pinsan kasi makukulit ang mga hitad. Gusto nilang angkinin sila, pero hindi naman ganun si sir Jordan. Ayaw niya sa commitment." Tumawa ako ng nakakaasar, "Huwag kasi siya kumiri kung hindi naman niya pala kayang panindigan." Napaismid kong sagot. Sayang, gwapo pa naman siya pero maitim ang budhi. Humalakhak ulit siya. "Hindi mo siya masisisi Annie, una palang sinasabi na niya kung anu ang gusto niya at ayaw. Sadyang kiri lang sila. Sila na ang kusang lumalapit kay Jordan. Tinutuka lang naman niya. Sabi nga sa kasabihan, palay na ang lumalapit sa manok." Napataas-kilay ko siyang tinitigan. "Paano ba namang hindi nilahahangarin maging baabe ni sir Jordan. Isang tingin palang ulam na. Paano pa kapag nagsalita at ngumiti siya. Malamang sinasabawan ka na at nilaga na nag tingin mo sakanya. Kaya ikaw pinsan ingatan mo ang sarili mong huwag na huwag mahulog sa mala adonis niyang katawan at kagwapuhan! Titig palang niya maghuhubad ka na." Sabay labas ng kanyang dila bago tumawa. "Kay Jay-ar lang ako pinsan at wala ng iba." Mayabang kong sagot na akala mo hindi akong apektado pero sa totoo lang gusto kong magpasakop sa kanyang braso. "Sana lang pinsan mapanindigan mo yan! Dahil kung hindi, matutulad ka sa mga hitad na luhaan na naghahabol ng wala namang ihahabol. Sa kanya ang mga babae ay isang uri ng brief na kailangang palitan araw-araw o kaya dalawang beses sa isang araw." Sabay pinaikot ang kanyang mata. "Ganyan kadami ang babaeng dumaan sakanya?" Hindi makapaniwala kong tanong. Whatta shame! Ayaw ko na sakanya. Talaga Anita! "Note Anita, sila ang ngsusumiksik, pero kilala rin siyang maingat sa mga babaeng ginagalaw niya. Gumagamit lagi ng proteksiyon kaya hanggang habol nalang ang mga modelo maliban nalang siguro kung gusto niya ang babae sa harapan niya." Naloka ako sa sinabi ni Lauren. Oo super yummy siya, pero... Oh my god! kailangan kong bakuran ang sarili ko. Mahirap maging luhaan.. Letche siya! Kung bakit nasa kanya na kasi ang lahat. May karma din siya, hindi lahat ng araw ay kanya. ********* Dalawang taon na akong naging sekretarya ni Jordan Gomez at kasama na doon ang itaboy ang mga linta. Para silang mga sinilihing linta sa kakahabol sakanya pero isa lang naman silang one night stand o tagakamot ng kati niya. Hindi naman talaga mahirap mahalin ang isang Jordan Gomez nakakatakot nga lang ang kabayaran. Nagwagi na nga siya eh, dahil nasungit na nga niya ang puso kong talandi. Sobrang kapit ko lagi sa aking mesa para mapigilan ang sarili kong tumalon sa kandungan niya. Maamoy ko palang ang presko niyang amoy sa umaga namimilipit na ang aking leeg para silipin siya pero pinandigan kong huwag lingunin. Mahirap na, tanga pa naman ang katawan ko gusto talaga magpasakop sakanyang matitipunong bisig buti nalang gumagana pa ang utak ko. Saka walang magmamahal sa akin kapag nalaman nila ang pangyayaring yun sa buhay ko. Hanggang ngayon sariwa pa ang gabing nawala sa akin ang pinkakaingatan ko. Nagliligpit na ako ng aking mga gamit ng biglang tumunog ang intercom ko. "Sir Jordan" "Come to my office now!" "Sir, pinapapunta niyo po ako!" "Come here and lock the door!" Pautos niyang turan pero sa mga papeles parin nakatutok ang mukha. Bakit kailangang ilock ang pinto? Nagtayuan ang maliliit na buhoksa katawn ko. Lintek ka Jordan, kahit gwapo kapa hindi kita papatulan. Talaga Anita, sabihin mo yan sa puso mong malandi. "Why do I have to lock the door sir, isn't enough to close it?" Taas kilay kong tanong pero sa totoo lang kabado na ako. "I am your boss! Follow what I say!" Bossy niyang sagot! Aba! Lintek siya. Sarap pagsasampalin ang kanyang pagmumukha. Sampalin ng mga halik Anita sabi naman ng utak kong maharot! Atubili man akong sumunod sa lintek niyang utos, lumapit parin ako sa upuan na tinuro niya. Nakaupo na ako pero hindi padin siya nagsasalita. Ayaw ko naman tignan ang mukha niya mahirap mahipnotismo baka mapatalon ako bigla sa kandungan niya at tikman ang masassarap niyang labi. Walang pasabing bigla niyang hinatak ang upuan ko paharap sakanya para makulong ako at mapasigaw bigla! "S-Sir Jordan, anung ginagawa niyo?" Kanda utal-utal kong tarantang tanong. "Look at me Anita straight to my eyes!" Utos niya sa halos magkadikit naming mukha. Konti nalang at siguradong mahahalikan ko ang kanyang labi. Pumikit ako at ayaw kong makipagtitigan sakanya. No!! Hindi ako pwedeng tumingin sa mga matang yan! Dalawang taon kong iniwasan ang mapang-akit niyang mata. Tama na ang nakabandera niyang alindog na aking nilalabanan araw-araw. At bakit Anita nalang tawag niya sa akin samantalang dalawang taong Ms. Anita. Imbes na tumingin sakanya humanap ako ng paraan para makaalis sa pagkakakulong sa upuan at sa harapan niya. Sa kasamaang palad nadapa ako para masubsob sa dibdib niya. Bwisit, bakit mabango parin siya eh uwian na! "Ehemmn!! I said look me in the eyes not kiss my chest Anita!" Pagtikim at parang paos niyang boses. Taranta naman akong tumayo para lalo pa akong mapahawak sa hindi dapat mahawakan at mhalikan siya sa labi ng hindi sinasadya. Nanlaki ang aking mata at lalong hindi ko na alam ang gagawin ko! Oh my god! Anita anung ginawa mo. Sahig utang na loob bumaka ka nalang para lamunin ako. Huhuhu..Anung kahihiyan nanaman ba ito! Bago pa siya makakilos nakatayo na ako para tumakbo palabas ng kanyang opisina. Eto na yata ang pinakanakakahiyang nangyari sa buhay ko. Paano ko siya haharapin bukas. Huhuhuhu.. Napasabunot nalang ako sa aking buhok sabay iniuuntog ang ulo ko sa dulo ng aking kama. Lintek naman Anita oh! Magleave kaya ako o mag absent nalang muna bukas! Anita isip-isip ka naman ng magandang dahilan sa katangahan mo! Eto na ang kinakatakutan ko eh! Mas nakakatakot pa kaysa sa puso kong nahulog na sakanya. Alam kong nakatingin siya sa aking pagpasok sa conference room. Pinandigan kong hindi lilingon saknaya. Nagtayuan ang aking balahibo sa hiya at kaba. Kagat labi akong pumunta sa mesa at inayos ang lahat. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha, pwede na yatang gawing spaghetti sauce o pansahog sa kaldereta. Lalagpasan kona sana siya nung bigla niya akong hatakin at bumulong. "Anita..!" "Good morning sir! Balik na po ako sa aking opisina." Hindi ko siya hinayaang matapos magsalita, hinablot ko ang aking kamay at sumibad palabas. Saka lang ako huminga nang tuluyan na akong makalabas sa conference room. Ho! Anita utang na loob kumalma ka lang si Jordan lang yan. Yun na nga eh si Jordan lang yan at amo ko! Letcheng katangahan naman kasi sa dinami-daming hahawakan mo bakit ang matigas niyang armas ang napili mo! Hunos dili ka lang Anita dahil baka sa susunod isusubo mo na. Tanga ka di ba! Kastigo ko sa aking utak na minsan nawawala sa katinuhan. Mahirap talaga gamutin ang katangahan Anita gurl sampal sampalin mo kaya muna ang sarili mo baka matauhan ka. Alalahanin mo si Jay-ar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD