Chapter Eight

2807 Words
"JAM, sweetie, wake up." Malungkot na pinapanood ni Peanut ang kanyang ina habang ginigising nito si Jam na nakatulog dala ng kalasingan. Nasa likod siya ng pinto ng kusina kung saan tanaw niya ang dalawa, subalit sa posisyon ng kanyang ina ay hindi siya nito makikita. Si Sava ang pinasagot niya ng tawag kanina ng kanyang ina upang ipaalam dito kung nasaan ang stepdaughter nito. Ang triplets din ang pinaharap niya rito. She was happy to see her mom even from afar. Masaya rin siyang makitang maganda pa rin ito sa kabila ng edad nito, at mukha namang malusog ito. "Bakit ka ba naglasing, Jam?" mahinahong tanong ng kanyang ina rito. "Kung may problema ka, sana kinausap mo ko. I'm here for you, daughter. Mom will always be by your side." Tinakpan niya ang bibig niya ng kanyang mga kamay upang mapigilan ang sarili niyang mapahikbi. Her mother told her the same things before, and it hurt her to hear her say those things to Jam now. "I'm your mother now, and I will always protect you. I will protect you... like I would have protected Peanut, my daughter," may kahinaang wika ng kanyang ina pero narinig pa rin niya 'yon. Nagulat siya. Lumukso rin ang kanyang puso na malamang naaalala pa rin siya ng kanyang ina. "Naglasing na kaya siya?" May ngiti sa mga labi ng kanyang ina subalit malungkot iyon. "Katulad mo, nakatulog din kaya siya dala ng kalasingan? If she did, bakit kaya? Sino kaya ang umasikaso sa kanya no'n? I should have been there for her. I should have protected her, too..." Parang dinudurog ang kanyang puso. Kung gano'n pala, nitong nakalipas na walong taon ay hindi lang siya ang nangungulila. Her mother had longed for her, too. Tahimik na dumaloy ang mga luha niya. Sumakit din ang lalamunan niya sa pagpipigil sa kanyang hikbi. "Mom?" inaantok na tanong ni Jam na nagising na pala. "Are you saying something?" Umiling ang kanyang ina. "No, honey. Can you walk? Let's go home before your father finds out you're drunk." "Okay, Mom." Inalalayan ng kanyang ina si Jam na susuray-suray sa pagtayo. Nawala lang ang mga ito sa paningin niya nang tuluyan nang lumabas ng bahay ang mga ito. Nasa labas sina Sava kaya maihahatid ng mga ito ang kanyang ina kahit hanggang sa labas lang. Naiwan siyang tulala. Mabilis at malakas ang t***k ng kanyang puso subalit nanginginig ang kanyang mga tuhod. Posible kayang mahal pa rin siya ng kanyang ina? She wanted to know because all these years, she still loved her mother despite her trying so hard to hate her. "Mama..." hikbi niya. No'n siya naglakas-loob na habulin ang kanyang ina. Nilagpasan niya ang triplets na nagtanong kung saan siya pupunta. Paglabas niya ng gate ay nakita niyang pasakay na ng kotse nag kanyang ina. May kalayuan ito sa kanya. She walked slowly, with her hands trying to reach out to her mother. "Mama... don't..." Mas binilisan niya ang lakad nang marinig niya ang pagkabuhay ng kotse nito. "Mama... I've been very lonely. Nami-miss kita ng sobra... Mama..." Tuluyan nang tumakbo ang sasakyan palayo. Bumagsak na rin ang mga luha niya. "'Wag mo kong iwan, Mama!" Pero hindi huminto ang kotse na mabilis ang pagtakbo. Bumigay na ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa kalsada habang tuloy lang sa pag-iyak. "Don't leave me, Mama. Please..." Her words turned into sobs. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib. Don't leave me, Mama. I'm lonely. I've always cried by myself. I want to be with you... "Peanut?" Hindi na siya nag-angat ng tingin kahit nakilala niya ang boses na 'yon ni Bread. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Nag-squat ito sa harap niya at kinulong ang mukha niya sa mga palad nito. He gently forced her to face him. Punung-puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Peanut, what happened to you?" nag-aalalang tanong nito. Umiling lang siya habang patuloy sa paghikbi. Bumuga ito ng hangin at halatang hindi nagustuhan ang estado niyang 'yon. Walang kasere-seremonyang pinangko siya nito. Naipalupot na lamang niya ang mga braso niya sa leeg nito. Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito habang patuloy siya sa pag-iyak. She somehow found solace in his arms. His scent, his warth, his silence, the beat of his heart had become her souce of strength. *** "ANO'NG ginagawa mo rito?" humihikbing tanong ni Peanut kay Bread habang pinupunasan ng tissue ang magkabilang pisngi niya na basang-basa ng luha. Inabutan siya nito ng isang basong tubig na tinanggap naman niya. "Dinalhan kita ng dinner kaya nandito ako. Hindi ko naman inakalang aabutan kita sa gitna ng kalsada habang umiiyak." Ininom niya ang tubig na ibinigay nito. Nakaupo na siya no'n sa kama niya habang nakasandal sa headboard. Kahati niya sa kuwartong 'yon ang triplets subalit dahil gusto silang bigyan ng privacy ng mga ito, nagkampo muna ang mga ito sa sala. Umupo sa gilid ng kama si Bread. "What happened, Peanut? You reek of alcohol." "Kaunti lang ang nainom ko." Binaba niya ang baso sa bedside table. "I saw my mother." Bahagyang kumunot ang noo nito. "Your mother? I thought she –" "Nagsinungaling ako," sansala niya sa sinasabi nito. "Ang totoo niyan, buhay pa ang mama ko. But when my father died, para na rin siyang namatay no'n. Parati siyang malungkot at tulala. Alam kong problemado rin siya no'n dahil hindi niya alam kung paano ako bubuhayin. Hindi nakatapos ng college ang mama ko dahil maaga siyang nabuntis ni Papa at itinakwil din siya ng mga magulang niya na kalaunan ay namatay din sa karamdaman. Tumigil na rin si Papa sa pag-aaral para magpakasal sila ni mama at para maghanap siya ng trabaho. Mahirap ang buhay namin no'n pero natatandaan kong parati kaming masaya. Pero nang mamatay si Papa sa aksidente habang minamaneho ang taxi nito, gumuho ang mundo ng mama ko. She didn't know what to do. Dalawang taon ang lumipas nang muli kong nakitang ngumiti si Mama – and it was because of her boss. Nagtatrabaho siya no'n sa isang restaurant bilang waitress. To simply put, she fell in love with a rich, divorced man. Nagplano silang magpakasal. Pero hindi ako tanggap ng mga magulang ng lalaki. 'Yon ang dahilan kung bakit iniwan ako ng ina ko. Ang gusto kasi ng mga magulang ng lalaki ay ibuhos ni Mama ang atensyon at pagmamahal niya sa nag-iisang apo ng mga ito – the man's daughter from his first wife." Nalaman niya ang kuwentong 'yon nang tanungin niya ang kanyang lolo't lola noong labing anim na taong gulang siya. 'Yon ang dahilan kung bakit simula no'n ay tinuruan na niya ang sarili niyang kamuhian ang makasarili niyang ina, subalit ngayong gabi ay napatunayan niyang bigo siya. Sumandal din ito sa headboard ng kama, inakbayan siya saka siya kinabig palapit dito. "Thank you for sharing your story with me, Peanut. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit takot kang maiwan. I'm sorry if I made you remember that pain in any way," masuyong bulong nito sa kanya. She was too tired to resist her feelings for him. His hug became her remedy in a very short time. Yumakap siya sa baywang nito at sinubsob ang mukha niya sa dibdib nito. "I'm sorry, too, if I was too afraid to overcome the fear of being abandoned. Natatakot akong iwan mo ko kasi mahal kita kaya naisip kong mas mabuti kung lalayo na ko sa'yo. Na-miss kita, Bread. Sobra." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Na-miss din kita." Naramdaman niya ang maiinit at malalambot na labi nito sa tuktok ng ulo niya. "Mahal kita, Peanut. Sobra." Nagulat siya sa kanyang narinig. Nag-angat siya ng tingin dito. "A-ano?" Ngumiti ito. He brushed away her tears with his finger. "I love you, Peanut. When I saw you with another guy, I was very mad, hurt and jealous I wanted to cry. No'n ko naisip na hindi ko kayang makitang ibang lalaki ang nasa tabi mo dahil mahal kita at gusto ko, akin ka lang." Napahikbi siya. She just heard the things she wanted to hear from him. "Wala na kong pakialam kung nasa kanya na ang lahat, pero ikaw, gusto ko akin ka lang, Bread. Puwede kaya 'yon?" Masuyong pinisil nito ang kanyang baba. "Oo naman. If you want me all to yourself, you can, dahil 'yong puso ko, private property mo na." Tumulo na naman ang mga luha niya pero sa pagkakataong 'yon, luha na 'yon ng kasiyahan. "Bread, can you stay with me tonight?" malambing na tanong niya. He froze. Dumaan din ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. "But Peanut... paano na ang landlady mo at ang mga ka-dorm mo?" "Itetext ko na lang si Sava. Sigurado akong maiintindihan nila. Stay with me, please? Kahit hanggang sa makatulog lang ako," she pleaded him. Nag-isip ito. "All right. If that's what my baby wants. I'll stay with you until you fall asleep." Ah, she was so in love with this boy. She closed her eyes and gave him a peck on the lips. Humihiwalay na siya rito nang maramdaman niya ang pagkabig nito sa kanyang batok upang palalimin ang halik. She responded to him which as much fervor. Naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa kama habang patuloy sa paglalim ang mga halik nito. Her hands touched his chest, he groaned and broke the kiss. Dinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. Nakapikit ito at tulad niya, hinihingal ito. "Anything more than this is dangerous, Peanut." Nag-init ang magkabilang pisngi niya nang maunawaan ang implikasyon ng mga sinabi nito. "I'm sorry, Bread." Nagmulat ito at lumayo na sa kanya. Umupo uli ito sa gilid ng kama. "It's okay. I'm sorry, too, if I almost lost control." Kinumutan siya nito at itinaas 'yon hanggang sa kanyang leeg. "Matulog ka na, Peanut. Dito lang ako." Tumango siya. "Can you sing for me?" "Of course. What do you want me to sing?" "'Yong kinanta mo sa phone." Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang pisngi. Then, he sang. "I don't wanna close my eyes. I don't wanna fall asleep 'cause I'd miss you, babe. And I don't wanna miss a thing. 'Cause even when I dream of you. The sweetest dream will never do I'd still miss you, babe. And I don't wanna miss a thing." She closed her eyes. His sweet, and soothing voice seemed to calm her. Hinila na siya ng antok subalit pilit niya 'yong nilalabanan dahil gusto niya pang marinig ang boses nito. "Lying close to you. Feeling your heart beating. And I'm wondering what you're dreaming. 'Wondering if it's me you're seeing. And then I kiss your eyes, and thank God we're together." Naramdaman niya ang paghalik nito sa nakapikit niyang mata. "And I just wanna stay with you. In this moment, forever, forever and ever..." Naramdaman niya ang pagtulong muli ng kanyang mga luha. Unlike the song, she knew she couldn't keep him forever. *** NAPANGITI si Bread habang pinapanood ang natutulog na Peanut. She looked so peaceful and beautiful. Hindi niya napigilang masuyong haplusin ang pisngi nito. Ah, her skin was so smooth and so soft. She was every inch of a girl. Sinong mag-aakala na sa kabila ng maganda nitong ngiti ay malungkot pala ang kuwento ng buhay nito? Nang marinig niya ang lahat, lalong tumaas ang respeto at paghanga niya rito. Lalo rin niya itong minahal. He promised himself he would take good care of her. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata si Peanut. Ngumiti ito nang mapatitig sa kanya. "Good morning, handsome." Lumuwang ang ngiti niya at pinisil niya ang tungki ng ilong nito. Bakit ba ang ganda-ganda pa rin nito kahit bagong gising ito? "Good morning, too, beautiful. Did you have a good sleep?" Tumango ito. Bumangon ito at kinusot ng mga kamay nito ang mga mata nito. "Ang sakit ng mga mata ko," nakangusong reklamo nito. "It's because you were crying the whole night. How are you feeling now?" "Medyo okay na." Nilingon siya nito. Bahagya pa itong yumukod sa kanya upang amuyin siya. "'Bango. Bagong paligo ka, ah. Ano'ng oras ka na umuwi?" "Four thirty AM, I guess. Ayaw mo kasi akong bitawan at nagi-gising-gising ka pa, kaya hinintay ko pang mahimbing ka ng tuluyan." Tiningnan nito ang orasan na nakasabit sa pader. Napasinghap ito nang makitang mag-a-ala sais pa lang ng umaga. "Bread! Hindi ka pa natutulog pero nagpunta ka agad dito ng ganito kaaga?" Nagkibit-balikat lang siya saka tumayo. "It's okay." Ayaw na niyang palakihin ang diskusyong 'yon. Because honestly, he really didn't mind if he hadn't gotten any sleep, or if he had to go home just to take a shower and come back to her again. Watching her sleep was blissful, and spending time with her was heaven. "Bumangon ka na. Nagdala ako ng almusal," he said gently to her. Tumalima ito subalit nakasimangot ito. "Bread, masaya ako sa ginagawa mo para sa'kin. Pero ayokong pinapabayaan mo ang sarili mo dahil sa'kin." "'Wag mo nang isipin 'yon, Peanut. Isipin mo na lang na masaya ako sa ginagawa ko para sa'yo." Her face softened. Mukhang nawala na ang iritasyon nito. Bumuga ito ng hangin. Then, she unceremoniously wrapped her slender arms around his waist. Ah, everything was totally worth it. Ginagawa niya ang lahat para rito dahil gusto niya itong maging masaya. To be hugged by her was just a sweet bonus. Tumingala ito sa kanya. Her beautiful eyes were shining. "Thank you, Bread." "You're welcome, baby." Hindi sinasadyang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. He swallowed. He just remembered the sweetness of her lips and he had the urge to taste them again. Sinalubong niya ang nagtatakang tingin nito. "Can I?" halos pabulong na tanong niya. She just smiled and closed her eyes. He closed his eyes, too, as he leaned towards her to touch her lips with his. But unlike last night, he managed to break the magic in only five seconds. Anything more than a peck on the lips when they were alone in a room was indeed dangerous. "Bumaba ka muna, maghihilamos lang ako," nakangiting wika ni Peanut habang tinutulak siya palabas ng kuwarto. "All right. Be quick. Baka lumamig na ang dala kong pagkain," bilin niya rito na tinawanan lang nito. Bumaba siya sa sala. Binigyan niya ng tipid na ngiti ang triplets na bumati sa kanya pagbaba niya. Kinausap niya ang mga ito kanina pagdating niya upang humingi ng despensa. The three girls slept in the living room to give him and Peanut privacy. Nagtungo siya sa kusina upang ihanda na ang mga pagkaing dala niya. Pag-uwi niya sa bahay nila kanina ay nagpaluto siya sa kanilang mga kasambahay ng sopas, fried rice, fried chicken, bacon and egg. Nagdala rin siya ng tinapay at siyempre, ang paborito nitong peanut butter. But she wondered if those were enough. Gusto niyang bumalik na ang dati nitong sigla. "Gustung-gusto ni Peanut na almusal ang pandesal na tinitinda sa bakeshop sa tapat," nakangiting wika ni Sava nang marahil mapansin ang pagkakakunot ng noo niya. Binigyan niya ito ng tipid na ngiti. "Salamat." Lumabas siya ng dorm upang bumili ng pandesal sa tapat ng bakeshop na tinutukoy nito. Pabalik na siya no'n dala ang nakasupot na tinapay nang isang pamilyar na pulang kotse ang nakita niyang pumarada sa tapat ng gate ng dorm. Nagulat siya sa bumaba mula sa driver's side. "Aunt Pillar?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Lumingon sa kanya ang ginang. Halatang nagulat din ito. "Bread? What are you doing here?" "I'm visiting my... girlfriend." Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. Well, they were a couple now. "Kayo ho, Aunt Pillar? Ano ho ang ginagawa niyo rito?" Ngumiti ito. "Kagabi kasi, naglasing si Jam at dinamay pa ang mga kaibigan niya rito." Inangat nito ang dala nitong paperbag. "Nagdala ako ng almusal bilang pasasalamat sa pag-aalaga nila sa anak ko." Nagtaka siya. And then he remembered Jam asking for Peanut's address last night. Ang alam niya, nagtanong lang ito para may mapag-usapan sila, hindi niya alam na pinuntahan nito kagabi ang nobya niya. 'Yon ba ang dahilan kung bakit amoy-alak ito no'n? "Pero hindi ko alam na magkaibigan sina Jam at Peanut para mag-inuman sila." Natigilan ang ginang. "'Peanut'?" Tumango siya. "Yes. She's my girlfriend." "Bread, tell me. What is her full name?" Nagtataka man sa pagkatarantang nakikita sa mukha nito ay sumagot pa rin siya. "It's 'Peanut Illustrano.'" Napasinghap ito ng malakas. "Illustrano?" Kumapit ito sa kanyang braso. She looked frantic for some reason. "Bread, bring me to her now! I'm begging you!" "I will, Aunt Pillar. Just calm down, okay?" Sunud-sunod na tumango ito. Marami siyang gustong itanong sa ginang subalit may kutob siyang hindi rin siya nito masasagot ng maayos kaya nanahimik na lamang siya. Akay-akay niya ito papasok sa dorm dahil nararamdaman niya ang panginginig ng buo nitong katawan na tila ba kapag binitawan niya ito ay matutumba ito. Sakto namang pababa ng hagdan no'n si Peanut. Basa ang buhok nito at kahit nasa pinto pa lang siya ay nasinghot na niya ang matamis nitong amoy. Another thing he liked about her. "Bread, saan ka ga –" Natigilan si Peanut nang dumako ang tingin nito kay Aunt Pillar. She suddenly looked terrified. "Y-you..." Biglang bumitiw sa kanya si Aunt Pillar at humagulgol ng iyak. "Peanut, anak!" He froze in shock. Aunt Pillar was Peanut's mother who had abandoned her when she was still a child? Ah, his heart once again almost went out to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD