Chapter Two

2543 Words
AYAW tingnan ni Peanut ang resibo niya sa bangko. Naglagas siya ng isang libo para lang sa guitar lesson sa loob ng kalahating oras ng araw na 'yon. Mabuti na lamang at may gitara ang isa sa mga ka-dorm niya kaya may gagamitin siya. Ilang minuto na lang, magsisimula na ang lesson niya. Mabuti na lamang at may Skype siya at may wi-fi sa dorm nila. 'Yon kasi ang ginagamit niya kapag kausap niya ang lolo, lola at mga pinsan niya sa Cebu. Sa Cebu kasi siya lumaki subalit nang mag-kolehiyo siya ay lumipat siya sa Maynila nang makapasa siya sa scholarship ng Empire University. Apat na taon na siyang namumuhay mag-isa sa bahay ng isang matandang dalaga na ginawa na lamang nito dormitoryo kasama ang mga kapwa niya estudyante na sa ibang unibersidad nag-aaral. Umuuwi lang siya sa Cebu kapag summer. At kapag may pamasahe siya. Her grandparents were already age sixty five. Pero nagpapadala pa rin ng pera ang mga ito sa kanya mula sa pensiyon ng mga ito. Dating guro kasi ang mga ito. Kumuha siya ng part time job para masuportahan niya ang sarili niya at upang makapagpadala rin siya ng pera sa mga ito. Malungkot na binalingan niya ang bank receipt. "'Lo, 'La, sorry po sa pag-aaksaya ng pera." But she had to. Kung mag-aaral ang Jam na 'yon ng gitara, mag-aaral din siya. Sisiguraduhin din niyang mas magaling siya rito. Alam niyang para sa iba, walang kuwenta ang ginagawa niyang pakikipag-kompetensiya sa isang taong hindi naman siya kilala. But to her, it was everything. Para sa kanya, simula nang tumayong ina kay Jam ang ina niya ay inagaw na nito ang lahat sa kanya. Pakiramdam niya, naapi siya. Kaya hangga't kaya niya, gusto niyang maranasan ang mga nararanasan nito sa sarili niyang pagsisikap. At hindi ko kailangan ng isang ina para magawa 'yon. Tumunog ang cell phone niya na nakapatong sa mesa sa tabi ng laptop niya. Nakatanggap siya ng text message mula sa unknown number na siyang gumising sa diwa niya: Ms. Illustrano, you can now open your Skype. -Braiden Alden Wycoco Binigay niya rin kasi sa e-mail na s-i-n-end ang cell phone number niya. Nag-sign in na siya sa Skype account niya. Naka-log in na rin si Braiden. Ilang minuto rin ang hinintay niya bago unti-unting naging malinaw sa kanya ang mukha ng binata mula sa video. Saglit siyang natigilan habang tinititigan ito. He was so handsome! Alam niyang gwapo ito dahil nakikita na niya ito. Sikat kasi ang banda nitong HELLO sa unibersidad nila. Pero iba pa rin pala kapag malapitan. Kahit sa screen lang. At singkit siya! Oh, gulay! "Hi, Ms. Illustrano," seryosong bati ni Braiden sa kanya. Malayung-malayo sa masiglang paanyaya nito sa leaflet. "Handa ka na ba sa guitar lesson mo? Naka-tono na ba ang gitara mo?" Awtomatikong napatingin siya sa gitarang yakap niya. Ang sabi ni Sava – ang doormate niya na nagpahiram sa kanya niyon – ay natono na raw 'yon. "Oo, nakatono na 'to." "Do you have any prior guitar experience?" Humarap uli siya sa screen ng laptop niya. Ah, so gorgeous! "Wala akong kaalam-alam sa gitara... sorry." "Bakit ka nagso-sorry? Kaya nga nag-enroll dito dahil gusto mong matuto. Naitanong ko lang naman para alam ko kung saan tayo magsisimula. Now, are you comfortable with your position? Make sure the guitar is secured on your lap." Gusto niyang sumimangot. Napaka-istrikto nito. "Komportable naman ako sa posisyon ko." "I-warm up mo ang mga daliri mo. Mag-stretching ka. Like this." He locked his fingers together and stretched his arms. "Sa bawat gawain, importante ang warm up exercises." Ginaya niya ang ginawa nito. "Okay na ba 'to?" "Yeah, that's good. Ngayon naman, i-posisyon mo na ang gitara. Your thumb must firmly support the neck of the guitar. Like this." Pinakita nito ang pagkakahawak nito sa gitara nito. "Your palm must not touch the neck while you're playing. 'Yong kabilang kamay mo na mag-i-strum, iyon dapat ang kumontrol sa katawan ng gitara, kaya mahalagang komportableng nakapatong ang gitara sa kandungan mo." Inayos niya ang pagkakahawak sa gitara. Sinunod niya ang lahat ng sinabi nito. "So, puwede na ba tayong magsimula?" "Kailangan mo munang kabisaduhin ang chords. Start with easy chords. Major chords are C D E F G A B C." Kinalabit nito ang gitara nito at narinig niya ang pamilyar na "Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do." "Minor chords naman 'yong mga letter "m" sa tabi." "Oh. Okay." She tried strumming the chords like he did. Tinuro rin nito sa kanya ang madaling form ng G, at pina-memorize nito sa kanya ang positioning ng ibang chords na may "flat" – 'yong forefinger niya ay naka press na sa lahat ng strings. Kailangan daw 'yon para lumakas ang mga daliri niya. Pinasubukan nito sa kanya ang pagkalabit sa mga chords para raw marinig nito kung basag ang notse niya o hindi. "Nice. You've strummed a nice note," pagpuri nito sa kanya na walang emosyon sa boses. Napangiti pa rin siya. She felt so proud of herself. "Thank you. So, what's next?" "Ituturo ko sa'yo ang iba sa susunod na session," anito at nakita niyang binaba nito ang gitara nito sa tabi nito. "Until next time, Ms. Illustrano." Nataranta siya. Nagpapaalam na ito! "Sandali! Tapos na ba ang lesson natin?" "Yes. Your thirty-minute lesson is up. Puwede ka namang magpa-reserve uli ng slot, provided you'll send me the payment." "Pero wala ka namang ibang tinuro kundi ang lintik na warm up exercise at tamang paghawak ng gitara! Wala akong natutunan sa'yo! Hindi sulit ang binayad ko!" reklamo niya. Bahagyang tumaas ang kilay nito, halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Miss, hindi ka matutong mag-gitara in only thirty minutes. Kung hindi ka dadaan sa basics, wala kang matututunan. You have to trust me, too. Kung hindi, mas mabuti pang humanap ka na lang ng ibang magtuturo sa'yo na papasa sa panlasa mo." Hindi niya alam kung anong meron sa mahinahong boses nito pero napakalma siya nito. Pakiramdam niya, bata siya na pinapagalitan nito. And she somehow liked that feeling. Hindi niya kasi naranansan ang masermunan dahil kailan man ay hindi siya gumawa ng ikasasama ng loob ng kanyang lolo't lola. Masarap din pala ang mapagalitan. Because... she felt like he was concerned about her. Tumikhim siya. "Braiden... sorry. Gusto ko sanang matuto pa mula sa'yo." "Apology accepted. And like I said, all you have to do is reserve your slot." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Er, Braiden... 'yon nga ang problema ko. Masyadong mahal ang bayad –" "My pricing is reasonable," giit nito. "Right." Mahirap makipagtalo sa taong hihingan niya ng pabor. "Braiden... puwede bang... utang muna? Promise, babayaran kita sa katapusan!" Kumunot ang noo nito. "What do you mean?" "Give me free lessons for now. Kapag sumahod na ko mula sa part time job ko, ipapadala ko sa'yo ang pera." Tinaas niya ang kanang kamay niya. "Promise!" "No." "What?" "I don't make deals like that. Bumalik ka na lang kapag may pera ka na. Have a good night. Good-bye," anito saka nag-log out. Napanganga na lang siya nang bago pa siya makahirit ay nawala na ang mukha nito sa screen. He was so frank! Ni hindi man lang pinakinggan ang paliwanag niya! And what was with his monotone voice and cold eyes? Robot nga siya! *** NAGMAMADALING lumabas si Peanut ng classroom niya matapos ang klase niya. Hinubad niya ang ID niya at sinilid 'yon sa bulsa ng jacket niya. Kapag tumatakbo kasi siya, tumatama sa mukha niya ang ID niya dahil pasalubong siya sa hangin. Ala-sais na ng gabi. Hindi niya alam kung nasa university pa si Braiden Alden Wycoco pero pupuntahan niya ito sa clubroom ng HELLO band at muli itong pakikiusapan. Nabasa niya sa status update ni Jam na natutugtog na nito ang intro ng kantang Hawak Kamay ni Yeng Constantino. Samantalang siya, tamang paghawak pa lang ng gitara ang alam niya! Nakabisado na rin niya ang chords pero walang silbi 'yon kung hindi naman niya magagamit! Paliko na sana siya papunta sa clubroom nang matigilan siya. Sumandal siya sa pader at pasimpleng napahawak sa kanyang dibdib. Dumagundong yata ang t***k ng puso niya. Jamia Andrea Lozario... ano'ng ginagawa niya rito? Pasimple siyang sumilip sa nangyayari. Nasa tapat ng clubroom si Jam na may kasamang magandang babae. Nakita naman niya ang drummer ng HELLO na si Shark na nakaharang sa pinto ng clubroom. "Dolphin, paano nakapasok ang mga taga-East Sun University dito?" galit na sigaw ni Shark sa babaeng kamukha nito. "Kuya naman eh! Sinabi ko nang nandito kaming Student Council ng East Sun University para kausapin ang presidente ng Empire University. Pero dumaan lang ako rito para makasilay sa Connor ko!" pakiusap ni "Dolphin" kay Shark. Magkapatid pala ang dalawa. "No! Connor will kill me if I'd allow you to see him!" Natawa ng marahan si Jam. "Ang cute niyo talagang magkapatid. Dolphin, nagtext ang vice-president natin. Mauna na ko, ha?" "Okay. Pakisabi na lang na susunod na lang ak– Kuya! Padaanin mo na ko!" Nang mawala si Jam sa paningin niya, mabilis siyang sumunod dito. Nilagpasan lang niya sina Shark at Dolphin na nag-aaway pa rin. Nakita niyang patungo si Jam sa building ng Empire kung nasaan ang opisina ng university president nila. Medyo madilim na dahil lagpas ala-sais na ng gabi no'n. Marami pa namang loko-lokong estudyante kapag gano'ng oras na, at hindi pa kilala ang babaeng 'yon sa unibersidad nila. And she was beautiful. Maaaring mapag-trip-an pa ito. Natigilan siya sa tinatakbo ng isip niya. Napakapit siya sa criss-cross fence na nakapalibot sa swimming pool ng university nila na nakalaan para sa mga atleta nila. Hindi ako nag-aalala sa kanya. Hindi! Hindi! Paalis na sana siya nang may marinig siyang lagaslas ng tubig sa pool kasabay ng pagsigaw ni Jam. Binundol ng kaba ang dibdib niya kaya marahas na nilingon niya ang pinanggalingan ng ingay. Hindi niya gaanong makita ang nangyayari dahil isang lamp post lang ang naroon. "Jam!" sigaw niya habang tumatakbo papunta sa loob ng swimming pool area. Natigilan siya sa nakita niyang eksena. Jam was in the water. Hinihila nito ang malaking bulto ng isang lalaking walang malay. Nang makarating ito sa pool side, doon na siya tumulong. Hindi naman siya nito kilala kaya wala siyang dapat ipagalala. Napatingin sa kanya si Jam. "Ahm –" "What happened to him?" tanong niya habang magkatulong nilang iniaahon ang walang malay na lalaki. "Hindi ko alam. I saw him jump in the water. I thought he knew how to swim. Pero ilang minuto na ang lumilipas, napansin kong hindi pa rin siya umaahon. Nataranta na ko kaya tinalon ko na rin siya sa pool – Oh my God! Is he still breathing?" Napasinghap siya nang makilala ang mukha ng lalaking iniligtas nila – si Braiden! Fully clothed ito kaya maaaring hindi talaga ito swimmer na nagpa-practice sa pool na 'yon. Nagpapakamatay ba siya? Bago pa siya makagalaw ay naunahan na siya ni Jam. She performed CPR on him. Pinatong nito ang mga kamay nito sa dibdib ni Braiden at diniinan iyon ng paulit-ulit. May ritmo ang bawat diin na 'yon at mukhang alam na alam ng dalaga ang ginagawa nito. "I was a member of Red Cross Volunteers when I was in high school. Tinuro sa'min ang tamang pagbibigay ng first-aid," mariing wika ni Jam nang marahil napansin nitong nakatingin lang siya rito. Nang hindi tumalab ang ginawa nito ay walang pag-aatubiling ginamitan na nito ng mouth-to-mouth resuscitation ang binata. Napasinghap siya. Alam niyang emergency 'yon pero naramdaman pa rin niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Jam and Braiden's lips still touched! It was a... kiss? Nawala lang ro'n ang atensiyon niya nang biglang ibuga ni Braiden ang tubig na marahil ay namuo sa dibdib nito. Pagkatapos ay umubo ito. Napasinghap si Jam at napatayo bigla. Hindi niya alam kung bakit tila nataranta ito. "I... I'll just call some help. I-ikaw na muna ang b-bahala sa kanya." "Wait! Ako na ang tatawag ng tulong. Hindi ka taga-dito!" sigaw niya subalit nakatakbo na ito palabas. "Ano'ng nangyari ro'n?" "Barbie..." Dumako ang tingin niya kay Braiden nang umungol ito. "What?" "Barbie..." mahinang usal nito. Nag-aalinlangan man ay marahang pinatong pa rin niya ang kamay niya sa pisngi nito. His skin was cold. "Braiden... wake up." Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa pisngi nito. "I'm sorry... Barbie..." Bumuga siya ng hangin. "I'm not Barbie..." Unti-unti siyang natigilan. May likidong tumulo sa gilid ng mga mata ni Braiden. Hindi niya sigurado kung luha 'yon o patak ng tubig lamang dahil basang-basa ito. But his sad face brought a prick in her heart. She was suddenly conviced he was crying. Nakita niya rito ang sarili niya noon. Umiiyak mag-isa. Alam niya kung gaano kasakit at kalungkot 'yon. Marahang hinaplos niya ang pisngi nito. "Don't cry, Braiden. You're not alone. I'm here. Everything will be okay. Hmm?" Unti-unting umaliwalas ang mukha nito. He looked peaceful now. Pero nalukot ang mukha nito nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. Maybe he was cold. Saka lang niya napansing hawak pa rin nito ang kamay niya. Bumuntong-hininga siya at unti-unting inalis sa pagkakahawak nito ang kamay niya. Hinubad niya ang jacket na suot niya. Ipinatong niya 'yon sa katawan nito saka siya tumayo. "Braiden, pasensya ka na kung iiwan na kita, ha? Ayokong makita uli ako ni Jam dito. Don't worry. May darating na para tulungan ka." Pagkasabi niyon ay umalis na siya. Braiden... why are you sad? *** "BREAD!" Napabalikwas ng bangon si Bread nang marinig ang pagtawag na 'yon sa kanya ng kung sino. Nang magising siya, bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha nina Riley, Connor at Shark. Nang lumingon siya sa paligid, saka lang niya napansing nasa clubroom na siya. "Ano bang pumasok sa isip mo at nagtangka ka na namang lumangoy?!" bulyaw ni Connor sa kanya. "Nagpapakamatay ka ba talaga?! Ha?! Halika, ibibigti na lang kita!" Sinimangutan niya ito dahil sa lakas ng boses nito. Naaalala niyang nagtungo siya sa swimming pool area nila. Kapag may pagkakataon ay talagang nagpupunta siya ro'n. Inaalis kasi niya ang takot niya sa tubig. Noong labing apat na taong gulang siya, nagpunta sila sa beach resort ng pamilya niya. Masama na ang panahon niyon at binilinan sila ng mga magulang niyang huwag nang lumangoy, subalit isinama pa rin niya ang labindalawang taong gulang na kapatid niya sa dagat. Lumakas ang alon niyon at nagkahiwalay sila ng kapatid niya. He had been saved by the rescuers, but her sister Barbie had drowned and died. Simula no'n ay nagkaroon na siya ng takot sa tubig. Because everytime he was near a sea, or even a pool, his body would begin shaking in fear. Gusto niyang alisin ang takot na 'yon subalit hindi niya magawang magtagumpay. The guilt in his heart seemed to wash away his resolve. "I'm fine,"simpleng sagot niya. "Paano ako napunta rito?" Bumuga ng hangin si Shark. "You were missing from our practice so we looked for you. We found you on the pool side, unconscious. Dinala ka agad namin dito sa clubroom dahil kapag nakita ka ng mga bodyguard mo, at nalaman ng papa mo ang nangyari, baka ilipat ka na naman niya ng university." Tumangu-tango siya. "Salamat." Napaisip siya. "Pero sino ang nagligtas sa'kin?" Ang naaalala niya, tumalon siya sa pool pero nang nasa tubig na siya, hindi na niya naigalaw ang katawan niya dala ng sobrang takot. Everything went blank after that. But he could remember the warmth of a hand on his skin. Partikular na sa pisngi niya. He touched his cheek. Who saved me? "Hindi namin alam. But we saw this on you." Hinagis ni Riley sa kanya ang isang itim na jacket. Pambabae 'yon at matamis din ang amoy niyon. Tiningnan niya ang jacket sa kanyang kamay. Noon niya napansin ang nakasilip na bagay sa bulsa niyon. Kinuha niya 'yon. It was an ID. "Peanut Illustrano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD