•SAFIRO BALMORES MONTESALVE•
"Harris! matagal pa ba tayo? nag tatanong na kasi si Tita eh kung nasaan na daw tayo. -tanong ko sa kanya.
"malapit na sweety! stay put ka lang jan" -nakangiting sabi niya.
"harris may balita na ba kay Jailee? halos ilang buwan na din siyang hindi nagpapakita eh -nag aalalang tanong ko.
"wala pa rin sweety eh pero nalaman namin na lumabas ito ng bansa kaya ginagawa naman lahat ni Payton pati na din kami para mahanap yung asawa niya! at mukhang mababaliw na din ata si payton eh hahaha" -natatawang sabi niya kaya naman binatukan ko siya.
"loko! wag ka ngang mag biro ng ganyan baka matuluyan, bakit ba naman kasi nagawa ni Payton yun na ganun din ang ginawa mo sa akin dati?" -seryosong sabi ko kaya naman napaubo siya.
"diko din alam sweety eh ayaw niya kasing pag usapan muna, pero alam naming may kinalaman dito yung babae na baliw na baliw sa kanya noong college kami. at saka yung nangyare sa atin tapos na yun dahil wala na sa usapan yun kaya wag mo ng ibalik." -inis na sabi niya na tinawanan ko na lang siya.
"ayan kasi napapala ng mga malalanding lalaki eh tskkkk. tskkkk. kung sakali mang niloko si jailee ni Payton mabuting wag na lang niyang balikan si payton at mag hanap na lang siya ng iba." -seryosong ani ko.
"hahaha wag mong sabihin yan dimo pa kilala gaano si payton mas baliw yun kesa sa akin." -natatawang sabi niya habang umiiling.
"hmmmppp whatever mga baliw." -ani ko.
kung nagtataka kayo kung bakit harris ang tawag ko kay harristone dahil yun na lang daw ang itawag ko sa kanya ngayon masyado daw Formal pag Harristone dahil aalis na din daw siya sa pagiging heneral niya sa susunod na buwan, dahil gusto niya na lang daw mag focus sa mga business niya at sa amin ng mga anak niya.
"Nandito na tayo Sweety." -nakangiting sabi niya habang papasok kami sa isang malaking gate.
"wowwww ang ganda naman dito." -manghang sabi ko dahil para kasi kaming nasa isang napaka gandang lugar na napaligiran ng mga puno ng mahogany at may nakikita pa akong mga kabayo, baka, kambing at iba na naka pastol sa gilid gilid ng hacienda nila.
"gisingin mo na yang anak natin." -sabay nguso niya sa anak naming nakatulog sa dibdib ko na naka yakap pa sa akin ng mahigpit.
"hey! baby andito na tayo gising na." -ani ko habang tinatapik ng mahina yung pwet niya, napadilat ito ng mata at sabay kusot nito.
"mommy! gutom na ako." -nakangusong sabi niya kaya naman natawa ako, dahil pagkain agad ang nasa isip niya.
"hahahah kakawawa naman ang baby ko bakit Hindi ka pa ba busog sa kinain mong isang bucket na chicken joy kanina?" -birong tanong ko sa kanya, at umiling lang siya ng nakanguso. pero nagitla ako ng bigla tumigil na ang sasakyan namin, napatingin ako sa labas at nakita kong nasa isang malaking bahay kami na puro sa salamin ang desinyo at nakita ko don si tita at tito na nasa labas ng pinto habang kumakaway sa amin kasama si ate bianca na nakangiti.
bumaba na si Harris at pumunta sa gawi namin para pag bukasan kami ng pinto ng sasakyan.
"akin na yung anak natin sweety mukhang nangangawit ka na sa biik na anak natin ehh" -biro niya sabay kuha kay rhyser sa akin.
"anak kong maganda I miss you na!" -masayang salubong sa akin ni tita at saka yumakap sa akin na isinasayaw sayaw pa ako.
"mommy wag mong masyadong ipitin yang asawa ko baka maipit sila baby." -nag aalalang sabi ni harristone. pero inirapan lang siya ni tita at saka kumalas sa akin sa pagkakayakap.
"Sis! ang laki na agad ng mga pamangkin ko ahhhhh!" -saad ni ate bianca sabay nguso sa tiyan ko.
"hahaha mag sisix months na din kasi." -nakangiting sabi ko.
"ohhhh my goshhh excited na akong makita ang mga gwapo kong pamangkin! hello mga gwapo kong pamangkin ako nga pala ang tita niyong maganda." -masigla sabi niya habang hinahaplos yung tiyan ko.
"anak kamusta kana? mukhang madadagdagan na naman ang mga sakit sa ulo mo ahhh." -biro ni tito kay harris.
"ano pa nga ba Daddy! itong si Rhyser ngalang ang kulit kulit na tas may dadagdag na namang mga tatlong bugok na anak namin hahahhaha." -masayang sabi niya. kaya naman natawa na lang din kami ng sinapok siya ng anak naming si Rhyser.
"bad ka Daddy! don't call my brother's bugok dahil bugok ka din." -masungit na sabi niya. kaya naman mas lalo kaming nagtawanan.
oo nga pala nagkaayos na din sila ni Tito nong nakaraang buwan dahil nalaman na namin na si Akiro pala ang may pakana noon lahat dahil kasabwat niya si Maurice para masira kami. pero hindi naman ako nag tanim ng galit kay akiro dahil nagmahal lang naman siya sa akin. actually nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil naging mabuting kaibigan ko naman siya, at naging sandalan ko din noon sa Amsterdam.
pero hanggang ngayon kasi ay wala parin akong balita sa kanya kung nasaan siya ngayon dahil gusto ko din siyang makausap ng masinsinan para humingi na din ng tawad dahil hindi ko na suklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
———
"Anak ano bang ipapangalan mo sa mga apo namin." -masayang tanong ni tita habang kumakain kay Harristone.
"ahhh ang pangalan kasi na na isip ni Rhyser para sa mga kapatid niya ay "Falcon" daw ang unang pangalan ng kapatid niyang lalabas, tas "Draco" naman ang pangalawa at "Bruce" naman daw para sa huling kapatid niya na hiniling pa niya sa amin. kaya naman yun na lang din ang ipapangalan namin sa kanila." -nakangiting sabi ni harris kay tita.
yup triplets pala ang magiging anak namin ayun sa lumabas sa ultrasounds kahapon at lahat sila lalaki.
"nakkks naman iba talaga ang apo ko ahhhh big boy na talaga." -ani ni tito habang ginugulo niya yung buhok ni Rhyser.
"Syempre naman po lolo pero gusto ko pa po ulit ng mga baby brother at isang baby sister na kahit katulad ni Mimi para sa muse namin. para makumpleto na po ang basketball team na bubuoin ko at ako ang magiging Captain nila." -mayabang na sabi ng anak namin. napaubo naman akong bigla sa sinabi niya, kaya agad agad ding inabot sa akin ni harris yung tubig na nasa tabi niya.
"ayos ka lang ba sweety." -nakangising sabi niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay, at sinamaan ng tingin dahil mukhang tinuruan na naman ng kakaiba ng lokong ito ang anak namin.
"hahaha ikaw talaga Rhyser di pa nga nanganganak yang Mimi mo gusto mo na agad masundan, parang ginawa mo namang baboy yang mimi mo ehh." -saad ni ate bianca kaya nagtawanan silang lahat maliban sa akin na namumula na sa hiya ang mukha.
"ooohhh siya tama na yan wag niyong inisin tong asawa ko baka hindi ako maka isa mamaya sa kanya ehh." -saad ni harris na na akbay na sa akin ngayon.
"Anak buntis yang asawa mo baka mapano yung mga apo ko ahhh." -nag aalalang sabi ni tita.
"wag kayong mag alala mommy okay lang daw sabi ni doctora sa akin, hanggang hindi pa daw nagpipitong buwan tong asawa ko ay pwede pa."-nakangising sabi niya sa nakatingin sa akin ng nangaakit, napatango na lang si tita bilang sang ayon.
"ohhhhh siya halika na kayo muna sa sala at maglaro tayo ng madjong. ang patner ko syempre ang mommy niyo, tas ikaw bianca patner mo yang pamangkin mo at ikaw naman harristone kakampi mo yang asawa mo, tas 500 ang taya ano call." -masayang aya sa amin ni tito.
"callllllllllll" -sabay sabay na sigaw namin at saka dali daling pumunta sa sala.
——————
"whooooohoo ang galing mo talaga baby Rhyser ohhhh, pano ba yan talo na naman kayo sa amin ng pamangkin ko." -masayang sabi ni Ate bianca, habang kinukuha naman ng anak ko ang mga napalalunan nila.
"ano ba yan? dapat pala kami na lang nag partner ng apo ko eh, di naman pala marunong tong mommy niyo. -kunwareng ini na saad ni tito habang nakatingin kay tita. pero bigla siyang nagulat ng batukan siya ni tita.
"hoyyyy! ikaw ang hindi magaling dahil ikaw yung naglalaro ako lang yung tiga taya." -mataray na sabi ni tita.
"Tita Bianca! ang dami na ng pera natin ohhh makakabili na ako ng Fried Chicken neto at mukhang magiging biik na naman ako." -masayang sabi ng anak ko habang winawagayway pa yung mga perang napalalunan nila kaya naman nagtawanan kaming lahat.
pero napatigil ako sa pagtawa ng maramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko, agad agad ko itong tinignan at nakita kong may isang message galing sa email ko na hindi ko kilala. kaya sa curios ko ay binuksan ko ito at ilang sandali pa ay bigla akong nagulat at nabitawan ko ang cellphone na hawak ko dahil sa message na nabasa ko na may kasama pang litrato ko na butas ang tiyan.
"I have planning this for so long! Just get ready! because you will be die and also your triplets will be die"