Hindi niya sinabi sa akin kung saan kami pupunta not even a hint kung ibang city ba iyon basta may tinawagan lang siya sa phone at agad na kaming umalis, but after two hours of drive narating namin ang isang malaking bahay sa isang exclusive subdivision sa Tagaytay. “Where are we? Kaninong bahay ‘to?” ngunit dere-deretso lang akong hinatak ni Eros papasok sa Bahay habang magkasalikop ang mga kamay namin. Sa loob ay binati kami ng isang matandang lalaki. “Magandang hapon po Sir. Eros, ma’am Celeste sakto po ang pag dating ninyo I papahanda ko na po ang hapunan” bago pa ako maka react mula sa gulat dahil kilala ako ng matanda ay agad na ako hinatak ulit ni Eros papaakyat ng hagdan. “Salamat mang Tano” ani Eros sa matanda. Wala na akong paki kung saan man niya ako dalhin naka focus ang isip a

