Chapter#4

714 Words
" honey! Sasama ka ba? " Nagmamadali akong bumaba at dumeretso sa sala kung nasan ang parents ko. Mag jo-joging daw sila sa park ng subdivision. "Hindi po My! pahinga muna po ako" "Ok! alis na kami!" "Bye!" Maya-maya narinig ko na ang pag sara ng pinto. Kinuha ko ang libro ko sa table at nag basa nalang. Hilig ko talaga ang pag babasa specially kung romance ang genre ng libro. After a couple of minutes bumaba na ako sa sala. I turned the TV on at hinanap ang Animal planet. Napahinto ako sa paglipat ng nahagip ko ang isang pamilyar na mukha. "Secret relationships of an Eros " Tignan mo nga naman ang kalandian ng lalaking to! May picture na ipinakita na may kasama siyang babae papasok ng hotel sa Manhattan. Yung another picture naman ay kuha sa isang club sa pilipinas na ata yun na may kahalikan siyang ibang babae. "Wow! What a man w***e! Tsss!" Kaasar bakit ba ang bilis kumulo ng dugo ko sa lalaking to asar! Kaya sa inis pinatay ko nalang ang TV. Naisip ko na mag Gym nalang, binuksan ko ang pinto ng Gym namin at pumili kung ano ang gagamitin ko. Napatingin sa mga music instrument ko na nasaloob din ng kwarto, naisip kong parati niya akong iniinis, so I should do the same, pissed him too. Napangiti ako sa naisip at isinaksak ang cable ng electric guitar nilakasan ko rin ang volume ng mga speaker. Sinimulan kong tugtugin ang mga paborito kong pang bulabog. Yeah!! Tumigil ako sandali kasabay noon ay ang pagtunog ng telepono doon. Hindi ko iyon pinansin at sinimulan ko namang tugtugin ang drums yeah!!. Huminto uli ako at tumunog uli ang telepono. Naisip na baka emergency ang call kaya sinagot ko na ito. " Hello?" Matagal bago sumagot ang tumawag kaya inulit ko uli. Maya-maya narinig ko na ang boses ng tumawag kaya napangiti ako. "What the hell do you think your doing?! Gusto mo bang tumawag ako ng pulis for public disturbance!?" mariin na sabi nito. " Dude easy! and i don't think na tatawag ka talaga ng pulis." "And why is that?" "You know why, and ikaw palang ang nag reklamo sa tagal na taon kong ginagawa to. I'm just trying to enjoy my misic here so-" " Look I don't want to argue with some bratty kid like you, so stop it cause I have more important things to do " Kid!? Ako kid!! Aba talagang- " Hoy! Mr. I'm not a kid anymore I'm of legal age, so don't ever call me a kid got that!?" inis kong bulyaw sa kabilang linya. "Well you act like one! So stop it!" "Make me!" "If you say so-" Hindi pa man siya natatabos ay pinatayan ko na, nilakasan ko pa ang volume ng mga speaker nilagay ko ang headphone ko at tumugtog uli. Nakita kong umilaw ang telepono ibig sabihin may tumatawag alam kong siya parin iyon kaya di ko na pinansin. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang namumula sa galit na si Eros wearing a suit mukang galing office. Sumisigaw ng 'wagi!' ang utak ko. Isa-isa niyang tinangal sa saksakan ang mga instrumets. "Alam mo ibabalik ko rin yan" lumingon siya sakin. Ok he is scaring me right now. Ang talim ng titig niya halos maging black na yung hazel brown niyang mata. Dahan-dahan siyang lumapit sakin, pa atras naman ako ng paatras hangang sa na ramdaman ko nalang ang pader sa likod ko. Lord help! Shit lalo tuloy akong nanliit sa laki ng katawan niya at sa tangkad niya nag muka talaga akong bat-no! No! Di ako bata!. Napansin kong papalapit na ang mukha niya sakin kaya lalo kong naamoy ang bango ng katawan at hininga niya! Bahagya kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Ang galit niyang expresyon ay napalitan ng ngisi, nagsalita siya kaya ramdam ko ang init ng hininga niya sa tainga ko na halos nag patinding ng mga balahibo ko. " Subukan mo and I swear I will punish you so hard that you'll never want to see even my shadow baby. I know, you know I can do that" hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang nakatulala lang ako hangang sa makaalis siya na may malaking ngisi...... kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD