Chapter #15

721 Words
Halos tulugan ko na ang mga subjects ko noong araw na iyon. Tinanong ako nila Janice kung bakit mukang zombie ako nun. Sabi ko napuyat lang ako dahil magdamag kong kausap sila mommy. Nag dalawang isip ako kung uuwi ba ako sa mansyon. . Ayoko ng magalala pa ang parents ko alam kong busy sila kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa mansyon ni Eros. Buti nalang late siya umuwi kaya hindi kami nagkita, mabuti narin siguro iyon. Aaminin kong magiging uncomfortable talaga but i don't have a choice. Nang mga sumunod na mga araw hindi na kami nagkikita, minsan nakikita ko nalang siya sa mga news tabloids. Maaga siya umalis nag iiwan nalang siya ng niluto niya hanggang sa dinner ko minamicrowave ko nalang. Alam ko ginagawa niya iyon para iwasan ako, sa gabi naman late na siya kung umuwi. Naisip ko na malapit na ang christmas ang akward naman kung ganito parin kami tsaka malungkot din. Siya na nga lang ang kasama ko ngayon, yung mga kaibigan ko kasi uuwi ng mga province nila para doon mag christmas at new year, ayoko namang mag isa mag celebrate. Isang lingo narin kami hindi nag kikita ni Etos dahil kahit week days pumapasok parin siya. Buhay pa kaya yun? "Hoy! Ikaw nakakahalata na ako sayo 3 times na kita tinatawag pero naka tulala kalang. Umamin ka nga! ..nag da-drugs ka ba--aray naman!" Binatukan ko na si France ugok kasi. "Sira ka ba ang dami daming pwede idahilan tapos nung buntis, drugs naman ngayon!?" Tawa lang ng tawa si janice. "Sorry naman pero hindi nga, ano problema mo?" "Wala naisip ko lang kung sino pwede ko makasama sa holiday eh wala naman kayong dalawa" sabi ko sabay irap sa dalawa. "Cej naman problena ba iyon edi si Tyler. Pagtiyagaan mo na!" "Isa ka pa Jan! Pag untugin ko kaya kayong dalawa!" Umalis sandali si Janice para pumila at bumili ng lunch niya. "Eh si Kuya Eros? Di ba pwede?" Tanong ni France at ngumisi. "Isa yung sungit nayun! Patay na ata yun parang hindi umuuwi kahit weekdays ang aga pumasok" tumango tango lang siya. After class naisip ko mamasyal muna sa kung saan. Ewan ko ba parang gusto ko lang gumala. Napadpad ako sa isang shelter na madalas namin dinadalaw nila Janice and France, nung una kami napunta doon ay araw ng community service as punishment noong na detained kami after that every sunday nakasanayan na namin tatlo na pumunta doon, bihira na lang ngayon pagtungtong namin ng College. Orphans at matanda na iniwan at pinabayaan ng kanilang pamilya ang mga nakatira doon, pumasok ako sa loob. "Oh Cj? Hija? Napadalaw ka?" Agad akong pinaupo ni Lola Delya. "Ou nga po may pinuntahan lang po ako sa malapit kaya dumaan narin po ako dito." Tuwang tuwa ang matanda sa pag dalaw ko tinanong niya sakin kung kamusta narin sila France at Janice. Tumulong narin ako sa pag seserve ng mga pagkain doon. Habang nag lilinis kami sa kusina. Sakto naman nanood sila ng news tungkol sa partnership ng kumpanya ng matandang kausap namin sa tagaytay na si Mr. Ybarra at ni Eros. "Nako kawawa naman itong batang ito puro trabaho nalang magpapasko na" "Sus! Lola masgusto niyan sigurong gumawa ng pera kaysa mag balot ng regalo" "Sino? Si Sir. Eros? Hindi mangyayari iyon maaalahanin na bata iyan at napaka bait pa" nagtaka ako sa sinabi ni Lola. "Lola close po kayo?" Pabiro kong tanong. "Ay Ou naman mabait na bata iyang si Sir. Eros sa katunayan ay siya ang nag patayo nitong shelter. Isa ang pamilya ko sa maraming pamilya na natulungan ng batang iyan tuwing pasko masaya dito dahil sa mga regalo niya para sa mga bata at matatanda" Laglag ang panga ko sa sinabi ni Lola Delya. Akala ko nag bibiro lang siya. Seriously? Si Eros nag patayo nito?! "Ta-talaga po?" Tumango ang matanda habang naka ngiti. "Ou hija hindi lang ako karamihan ng mga batang ulila dito sa shelter ay binigyan niya ng scholarship. Tapos na ang dalawang anak ko satulong niya kaya hanggang ngayon nandito parin ako gusto kong masuklian ang tulong na ibinigay sa pamilya ko ni Sir. Eros." Naguilty tuloy ako, araw-araw siya ang nagluluto para sakin kahit sa gabi inalala niya rin kakainin ko. Tapos ako parang walang pakielam sa kanya, hindi ko manlang kinamusta kung pagod ba siya sa office or kung may problem ba siya. Hanggang sa umuwi na akong galing sa shelter iniisip ko parin kung papaano makipagbati sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD