Tila nagbagting ang aking taenga sa malakas na putok ng mga baril unang beses ko lang makarinig ng putok ng baril at ang nakakatakot pa ay ang aking pamilya at mahal sa buhay ang puntirya ng bawat bala na tumatama sa ibat ibang direksyon ng villa. May kausap si Eros sa isang maliit na devices na hawak niya ngunit kahit iasng salita na lumalabas sa kanya ay wala ako maintindihan tanging takot at pangamba para sa aking pamilya ang namamayani sa aking isipan. Not again I can’t lose them! “CELESTE!” Tanging ang sigaw ni Eros sa pangalan ko ang nagpagising sa akin. “Please snap out of it! Look at me!” sinunod ko ang sinabi niya batid kong basa niya ang matinding takot na nararamdaman ko. “We have to get inside” agad akong napaluha. “Eros, I’m scared…o-our family wh-.” “Ligtas sila lahat

