#BetweenYouAndHim EPISODE 68: THE FINAL CHAPTER KHIRO MARTINEZ’ POV: Magkaharap kaming nakatayo ngayon ni Kameon sa isang tagong lugar dito sa loob ng isang malawak na parke. Dito ko siya pinapunta para kami’y mag-usap. Maaliwalas ang panahon gaya ng nakikita ko ngayon sa mukha ni Kameon. Nakangiti habang nakatingin sa akin. Ako naman ay seryoso ang mukha na nakatingin rin sa kanya pero sa loob-loob ko ay itinatago ang matinding kaba na namamayani sa dibdib ko. Nagulat na lamang ako ng bigla akong niyakap ni Kameon ng mahigpit. Literal na nanlaki ang buka ng aking mga mata. “Khiro...” malambing niyang sambit sa aking pangalan. Bahagya akong natulala. Sa totoo lang, kahit noon pa ay napakalakas na ng epekto niya sa akin. Kagaya ng epekto na nararamdaman ko para
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


