#BetweenYouAndHim EPISODE 53 “I’m so sorry but I need to go back to US as soon as possible…” biglang sabi ni Gale na nagpagulat naman kay Howard at Khiro. Nandito sila ngayon sa living room ng condo unit ng magkasintahan kasama si Yohan na bakas naman sa mukha ang lungkot habang nakaupo sa sofa. Ang tatlo namang nakakatanda ay pawang mga nakatayo. “Bakit?” tanong ni Howard. Bakas rin ang bahagyang lungkot sa mukha nito. Napabuntong-hininga si Gale. “Nagkaroon kasi ng biglaang problema sa company kaya kailangan ko kaagad bumalik roon para maayos…” sabi ni Gale. Totoo naman ang sinasabi nito na kailangan kaagad nitong bumalik sa US para sa company nila. Napabuntong-hininga rin si Howard. Bakas na sa mukha nito ang matinding lungkot dahil sa biglaang naisip. Pat

