#BetweenYouAndHim EPISODE 57 “Ok Ok… Ako na ang magdadala nitong mga documents mo diyan…” sabi ni Khiro sa kausap na si Howard sa telepono. Hawak-hawak nito sa kabilang kamay ang mga documents na nakalagay ngayon sa isang puting folder. Nakalimutan itong dalhin ni Howard sa restaurant at kailangan na kailangan pa naman ito. Napatango-tango pa si Khiro sa mga sinabi sa kanya ni Howard. Pamaya-maya pagkatapos ng pag-uusap nila ay ibinaba na niya ang tawag. Inilagay na sa bulsa ng suot niyang pantalon ang cellphone. Humarap muna si Khiro sa isang malaking salamin na nasa living room ng condo unit nila at bahagyang inayos ang damit niyang suot pagkatapos ay saka nagmamadaling lumabas ng condo. Sinigurado niyang nakasara ang pintuan nito dahil wala namang naiwan sa loob

