#BetweenYouAndHim EPISODE 37 “Anong ginagawa mo?” seryosong tanong ni Khiro kay Kameon. Magkaharap silang nakatayo ngayon sa isang tagong bahagi dito sa parking lot ng restaurant. Mabuti na lamang at hindi sila napansin nila Howard at Tristan na halos sabay silang umalis sa loob ng restaurant. Gusto kasing makausap ni Khiro si Kameon. “Ikaw? Bakit nilalayuan mo ako?” tanong naman ni Kameon. Hindi sinagot ang tanong sa kanya ni Khiro. “Sagutin mo ang tanong ko…” “Sagutin mo muna ang tanong ko…” sabi kaagad ni Kameon na nagpatigil naman sa pagsasalita pa ni Khiro. Kapwa natahimik ang dalawa. Pumailanlang ang nakakabinging katahimikan. Napabuntong-hininga si Kameon. Kitang-kita rito na marami itong nais sabihin sa lalaking kaharap ngayon. “Bakit mo b

