Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 030 Liam's POV Kabado akong tinatahak ang daan patungo sa HR office ng Triple A, susme, ikaw ba naman balaan ni manang sa front desk na... "Goodluck iho, huwag ka sana maihi sa HR Office ah." banta nito sa akin na parang may masamang mangyayari. Pagtungtong ka sa harap ng pinto ng HR ay para na akong natatae sa kaba. "Liam nasan na yung confidence mo?" tanong ko sa sarili. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at inilabas nito

