-=Gabby's Point of View=- Masuyo kong hinahagod ang buhok ni Caleb, payapa ito habang natutulog, nang makita kong muli ang anak ko ay hindi ko napigilan maiyak, mas lalo iyong lumakas nang maiyak din ito, ramdam na ramdam ko ang pangungulila nito sa akin kanina. "Puwede ka nang dumiretso sa kuwarto mo." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jayden, sa sobrang focus ko kasi kay Caleb ay hindi ko namalayan na nandoon din pala ito. Para akong nahihipnotismo habang nakatingin sa lalaking minahal ko. May kadiliman sa kuwarto kung saan kami naroon pero hindi ako nahirapan para makita ang guwapo nitong mukha, the face of the man I love, sandali kong pinakiramdam ang sarili ko at alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako dito, pero base sa itsura nito ngayon ay masasabi kong wala na i

