-=Gabby's Point of View=- "Kumain ka naman kahit kaunti?" narinig ko ang pag-aalala sa boses ni Ate Mel nang sinabi ang bagay na iyon, pero kahit anong pilit ko ay wala akong gana. Pitong araw na ang nakakalipas nang kausapin at ipagtapat ko kay Jayden ang tungkol sa anak namin, ni hindi ko alam kung nabawi na ba nito si Caleb at tinupad na nito ang banta sa akin na ilalayo sa akin ang anak ko, o hanggang ngayon ay wala pa din sa kanya ang anak namin. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa labis na pag-aalala sa anak ko, kahit masakit ay gugustuhin ko pang mabawi ni Jayden ang anak ko basta malaman ko na ligtas ito, masakit oo, sino ba naman ina ang gugustuhin na malayo sa kanya ang kanyang anak, pero mas gugustuhin ko pa iyon basta alam kong ligtas ang anak ko. Naramdaman ko na lang ang

