-=Jayden's Point of View=- I tried so hard not to be affected, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maalis sa isip ko ang ginawang pagmamakaawa ni Gabby sa akin, hindi ako dapat makaramdaman ng kahit na anong awa dito, nilayo nito sa akin ang anak ko, at sinaktan niya ako. Isang malalim na paghinga ang lumabas sa mga labi ko habang nakatingin sa anak ko na payapa pa din na natutulog, hindi ko nga sigurado kung aware ito na sinubukan itong itakas ng Mommy niya. Ilang araw na din itong tulog lang ng tulog, ayon naman sa doctor ay normal lang ito nang dahil sa nangyari, pero any moment ay magigising na din ito, na siyang kinakatakutan ko, paano na lang kung hanapin nito si Gabby, paano ko ipapaliwanag dito na hindi na niya puwedeng makita ang Nanay niya. Bago pa man pumasok si Gabby sa k

