Kahit na umandar ang depense ng colloseum, dahil narin siguro sa takot, mahigpit na kumapit nang mabuti ang mga manonood sa kanilang kinauupuan sa takot na baka tangayin sila ng lakas ng hangin. May kanya kanyang reaksyon ang mga manood, ang iba ay namilog ang mga mata, sumisigaw at ang iba naman ay napanganga sa nakita. Maliban sa beteranong mandirigma o salamangkero, halos lahat ng mga nandito sa colosseum ay ito ang unang beses na makakita sila ng ganitong katinding labanan ng salamangkera/salamangkero kaya hindi nila mapigilan na nakaramdam ng takot rito. Ang mga beterano naman ay biglang uminit ang dugo nila nang makita ang kanilang laban lalo na ang mga salamangkero o salamangkera na nanonood ngayon. Sino naman hindi? Ang ginagamit nilang mahika ngayon ay purong mataas na klaseng

