CHAPTER 15 - WHO IS SHE? (04/19/16) KRYSTAL's POV 5 MONTHS LATER... ITS been five months at malaki na ang tiyan ko. Palagi akong sinasamahan ni Callis sa pagpapacheck up. At nagpadesisyunan na naming na kapag mangaganak na ako ay doon na kami magpapakasal. "Sweetie, what do you want to eat?" Tanong niya habang namimili kami sa supermarket. Hindi niya gustong sumama ako dahil baka daw mastress ako. Pero napilit ko naman siya atsaka gusto kong pumili ng pagkain noh. "Gusto ko ng bagoong strawberry cupcake!" Sabi ko. Ewan ko ba kung bakit ako bigla naglaway sa bagoong at strawberry. "What? Its weird, Sweetie." Nakangiwing sabi niya. Pero pinilit ko siya. Kaya pumayag rin siya sa huli. Pagkatapos naming bumili ay pumasok muna kami sa JCO. Bigla kasi akong naglaway sa donuts. "Here i

