CHAPTER 28 - HIRED *KRYSTAL POV* "L-luigi?" Gulat kong tanong. Apat na taon kaming hindi nagkita tapos susulpot siya para mag apply sa kompanya namin? "Yes its Luigi, Sweetie." Gulat pa rin ako. "Papasukin mo siya, T" Sabi ko kay Callis. Kinausap niya ulit ang nasa telepono. "He is coming, Sweetie." Umupo ako sa swivel chair at nasa likod ko si Callis. Nakaupo pa rin sa lap ko si Princess playing with her dolls. My telephone rang. I click the loudspeaker. "Mrs. Saavedra, Mr. Luigi is already here." "Papasukin mo na siya." Bumukas ang pinto. Pumasok si Luigi. Malaki ang pinagbago ng mukha niya. Gwapo naman talaga itong kababata, mas gumwapo nga lang siya ngayon. Pero syempre mas gwapo pa rin ang asawa ko. "Luigi, how are you?" Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang pagkailang niya.

