Thunder point of view Inis akong lumabas sa bahay ni Snow, ang akala ko ay maging okay na ang lahat sa amin. Pero nagkamali ako dahil gusto naman niyang mapag-isa. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nag hanap ako ng restaurant at may nakita naman ako agad. Nag take out ako ng marami at bumalik sa bahay ni Snow. Hindi siya marunong magluto kaya alam kong wala siyang kakainin. Pinapasok naman niya ako at nakikain na rin. Habang kumakain kami ay napapatingin ako sa kanya. Paano niya kakayaning mag-isa, hindi siya marunong sa bahay. Siya ang isa sa pinaka masunurin sa bahay kaya hindi pa niya naranasan ang parusa na maghugas ng pinggan kasama sina Yaya. Napailing nalang akong kumain dahil nagutom ako sa mga lumabas sa kanyang bunga-nga. Pagkatapos naming kumain ay pinapaalis na niya ako. "Si

