Jansen's point of view Pagpasok ko sa kwarto ay mahimbing na ang tulog ni Mosh. Kaya pinatay ko na lang ang ilaw para matulog na rin. Sa condo ko nalang na ituloy namin ang aming honeymoon at pagkatapos ay lilipad kami sa ibang bansa para ituloy ang aming honeymoon. Pagbalik namin sa bansa ay sa simbahan na kami ikasal. Tas mag cruise naman kami para sa aming ikatlong honeymoon. Napangiti ako ng pagkatamis-tamis dahil mapapalaban ako. Naki kumot na ako kay Mosh at niyakap siya ng mahigpit. Kinabukasan nagising ako sa tawag ni Lola. Napabalikwas ako ng bangon agad kong tinignan ni Mosh at nasa tabi ko lang pala. Nakatalikod lang siya sa akin, akala ko ay nilayasan na ako. Inayos ko ang kanyang kumot at mabilis na akong nagbihis. Bago ako lumabas ay hinalikan ko muna ang balikat niya.

