Buloy's point of view Sumama ako sa paghatid ng mga bata sa unang araw nila sa school. Ang aking Taruray ay naka hawak sa aking kamay kaya minamasahe ko ito habang nasa loob kami ng sasakyan. Napapangiti ako kung binabaliktad niya ang aming pwesto ng aming mga kamay, ngayon ang maliit niyang kamay naman ang nagmamasahe sa aking palad. Hindi pa siya nakontento ay dalawang kamay ang nag mamasahe. "Mommy, harder po ba?" Tanong niya at napangiti ako sabay tumango. "Mommy, kami din give as your other hand." Sabi ni Thor kaya ibinigay ko sa kanila ang aking isang kamay. Hahang minamasahe nila ay bigla kong mabilis na pinisil ang palad nila. "Aw, reklamo ni Atlas dahil siya ata ang napurahan." Napangiti ako na si Taruray ay malakas na lumalaban sa aking palad. Matalino din ito dahil kinilit

