Taruray's point of view Sa wakas ay natapos din ang bakasyon namin. Hinihintay lang namin si Storm dahil may pinuntahan saglit. "Ang tagal naman nun." Reklamo si Kuya Atlas. "Pumapag-ibig na, inggit lang kayo." Sabi ko na may halong panunukso. "Bakit ikaw hindi?" Tanong ni Kuya Kaiden. "Naiingit, wala naman nanliligaw sa akin paano ako magkaboyfriend." "Madali lang yan, kung may magustuhan ka sabihin mo at dukutin natin." Sagot ni Kuya Josh na mabaho nag utot. "Kung ano-ano ang pinagsasabi mo kuya mamaya totohanin ni Taruray." Sabay ni Thor na masama ang timpla. Dumating si Storm at nakasimangot ito. Hindi siguro napagbigyan ng goodbye kiss. "Bakit ka nakasimangot?" Tanong ko. "Wala!" Masungit na sagot niya at nauna na sa chopper. "Lokong bata na ito, hinintay natin tapos iiwan

