Storm's point of view Kinagabihan ay katabi ko na si Belle mabuti at kumampi sa akin si Inay lalo na ng makita niya ang aking mga pasa sa mukha. Pinagalitan pa si Belle dahil hindi naman siya pinagtitinda, mas gusto pa ni Inay na sa bahay lang siya dahil nagkakasya naman ang sahod niya sa paglilinis sa resort. Wala naman akong gagawin na iba , gusto ko lang naman siya mayakap sa buong magdamag. Ang sarap kaya ng pakiramdam na dama ko ang init ng kanyang kawatan. "Yakap lang Storm ah?" Sabi niya ng tumabi na siya sa akin dala ang kanyang mga unan. "Ayan ka naman eh, sinabi ko saiyo ng ayoko ng pauli-ulit." Inis na sambit ko. "Nag sisigurado lang na naman ako dahil may pakamanyak ang mga kamay mo. Kanina yung kiss mo kung saan napunta ang kamay mo." "Bakit saan ba napunta ang kamay

