Natan's point of view Nang makarating kami sa condo ni Jansen , gusto kong yakapin ang aking asawa. Pero inirapan niya ako at parang wala ako sa kanyang harapan. Napahinga nalang ako ng malalim. Kung hindi pa siya uuwi sa bahay ngayong gabi ay gagapangin ko na siya. Sigurado na gagawa na din ng paraan ang mga kaibigan ko para sa kanilang mga asawa. Tulog daw ang asawa ni Jansen kaya hinayaan namin na si Josh ang sumilip muna. Sinadya ko na tumayo sa likuran ng aking asawa at unti-unti kong inilalapit ang aking katawan sa kanya. Ang miss her so much hindi ako sanay na hindi ko siya kayakap ng buong magdamag. "H*lly f*ck Natan come inside!" Malakas na sambit ni Josh kaya naudlot ang pag chansing ko sana sa baby ko. Nagmamadali naman akong sinundan siya at sumama ang aking apat na anak.

