Cole's point of view Dumating si Wendy na wala man lang pasabi at ang mas kinaiinis ko pa ay sa bahay niya gusto mag stay. Kung pwede ko lang siya kaladkarin ay ginawa ko na. "Cole, don't tell me dito natutulog ang mataba na iyon." Sabi niya sa sabay umupo sa kama ni Kapre. Hindi ko siya sinagot bahala sila ni Kapre mamaya mag-ayaw. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa at hinayaan sina Kapre at Jack sa baba. At Sabi ni Jack ay si Kapre ang nagligtas sa kanya at nadatnan ko sila sa kusina na halos maghalika na. Bilib din naman ako sa kapre na ito dahil pagkatatos ni Otoy ay kaibigan ko naman. Pa love, love pa ang tawag sa akin. Umalis sila na hindi nagpa-alam, narinig ko nalang ang pag andar ng sasakyan ni Jack. "Cole." Tawag ni Wendy sa akin. Lumingon ako sa kanya. "Why are you liv

