Taruray's point of view Bumalik na kami sa mansion at sobrang saya ko dahil pinayagan si Cole na mag stay sa amin. Kaya lang ang higpit ng mga bantay, tinawagan namin si Ninong Cain at maganda na raw ang progress ng maging biyenan ko kaya. Napagpasyahan namin na hintayin nalang ang kanyang pagpapagaling para mas masaya ang aming kasal. "Babe, ihatid na kita sa school mo." Sabi Cole naka bihis na rin. Napatingin ako sa aking mga kapatid at sinenyasan ako ni Kuya Josh na bilisan ko ba bago bumaba si Lolo Natan. Agad kaming lumabas at parang nakatakas na mga bata. Bumili ng mas malaking sasakyan si Cole para maging comportable ako sa kanyang tabi. Natatawa kaming dalawa na sumakay sa kanyang sasakyan. "Bakit ka naka sumbrero?" Nagtatakang tanong ko. "Para bagets akong tignan." Sagot niy

