Thunder's point of view Habang nag-iinuman kaming tatlo sa bahay ni Snow ay tumawag si Daddy. Dad: Ang bunso ninyong kapatid ay getting worse. Pauwiin na ninyo si Dark o ako na mismo ang magpapa-uwi sa kanya. Napatingin ako kay Hunter na ayaw kausapin si Daddy. Ibinigay ko kay Light ang telepono pero lasing na lasing na siya. Me: Okay Dad, sasabihin ko kay Hunter. Dad: I know he is listening, malilintikan kayo sa akin na tatlo. Pinatay na ni Daddy ang tawag at napamura si Hunter. "Ayaw umuwi ng g*go na iyon bakit ayaw niyang harapin si Emerald. Kaya pala ang bilis niyang irekomenda ang kanyang sarili na ipapalit muna sa akin ayun pala may katarantaduhan na ginawa." Inis na sabi ni Hunter. "Hindi na lang siya nahiya kay Ninong Harry." Sagot din ni Light na nakapikit. Kung maari ay

