Makalipas ng isang linggo. Hindi mapakali si Maya habang nakatingin sa mga anak niya na nasa nursery room pa rin. Kasama niya si Axues, Ruby at Aeriel. Yung iba nasa sa bahay na ni Axues nag aayos. Nagka ayos na rin sila ni Aeriel at pinaliwanag na sa kanya ang lahat. Nanlalamig yung kamay niya at hindi niya malaman kung anong gagawin niya sa mga oras na yun napakarami rin ng katanungan sa isip niya. "Paano kung hindi ko sila mabuhat ng maayos? Paano kung umiyak sila ng umiyak?" Tanong ni Maya sa kanyang sarili. Napatingin siya kay Axues na nakatingin rin sa kanilang mga anghel. Nakikita niyang may kislap ang mata nito at halatang halata rito na masaya at nae-excite siya. Naibalik niya yung tingin niya sa loob ng nursery room. Bumilis yung t***k ng puso niya ng buhatin na ng apat

