"Agrrhhhhh." Napasigaw si Maya nang na salpukan siya nang sasakyan. At napa gulong-gulong siya sa kalsada. Nag silabasan ang dugo niya sa kanyang katawa. "Hmmmmm." Daing niya nito dahil sa mapa ilang beses din siyang gumulong. Pero bago pa siya nawalan nang malay, may lumapit sa kanya. At naka hingi pa siya nang tulong. "Tulong! Tulongan niyo po ako, gusto ko pang mabuhay." *** "Nicanor anong ginawa mo?" Gulat na tanong nang isang lalaki na nasa loob ng truck. "Naku! Naka disgrasya yata tayo pre." Saad nito ni Nicanor sa kanyang kasama sa loob ng sasakyan. "Bakit naman kasi, sana binangga mo nalang tong sasakyan sa kahoy kanina. Di bali nang tayo ang madisgrasya, wag lang tayo maka disgrasya." Pangaral ni Mang Firmen sa kasama niya. "Tara bumaba tayo, tulungan natin yung tao."

