Matapos nang ilang ring, ay hiniyaan lang nang dalaga ang selpon nang binata. Hanggang sa may sumunod ito nang text.
"I miss you baby".
Nanginginig ang mga kamay ni Maya nang inilagay niya ang selpon sa side table.
Bumalik siya sa kakahiga at muling ipinikit ang kanyang mga mata. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas di siya dinalaw na nang antok.
Maharas siyang bumuga nang hangin at humarap sa mukha nang binata na mahimbing na natutulog.
Matiim niya itong tinitigan. "May iba pa ba Axues?" Marahan niyang tanong. "Kasi ako wala. Malipas ang ilang taon hinintay kita. May iba pa ba?" pa singhot singhot niyang sabi sa binata habang natutulog ito.
"Naalala ko pa ang lahat, alam kong 15 years na iyong lumipas. Pero para sa akin napaka sariwa parin. Please be careful of my heart". Pabulong niyang sabi habang pigil na pigil na siyang umiyak.
***
Nagising si Maya na wala na ang binata sa tabi niya. Tiningnan niya ang orasan na nasa side table, pasado alas nwebe na nang umaga.
Inunat niya ang kanyang katawan at madahang tumayo sa kama. Napansin niyang may naiwang letter na nasa lampshade na naka dikit.
"Good morning baby, May meeting ako ngayong araw. Kumain kana ha. Nag luto na ako nang almusal. Hindi na kita ginising, napagod kita kagabi. At napaka himbing nang tulog mo kasi.
Mwah
Malapad na ngiti ang bilang ganti ni Maya sa maikling sulat na iniwan ni Axues sa kanya. Di maiwas ni Maya ang kanyang mga mata na nakatitig sa huling sulat nito.
Marahan niya itong nilagay sa mesa at kumuha siya nang tuwalya at pumasok sa banyo.
Habang patuloy ang daloy nang tubig sa kanyang katawan. Nanumbalik ang mga nangyari ka gabi sa nakita niyang minsahe.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Upang mawaksi sa kanyang isipan ito.
Marahan siyang bumuga nang hangin habang nakasandal ang ulo niya sa pader nang banyo.
Naglalakbay ang isip niya kung sino iyong nag message sa binata.
***
Nang nasa kusina si Maya hinugasan niya ang kanyang kinainan kanina. Nag iisip siya kung ano ang gagawin niya ngayong araw. Hinanap niya agad walis, vacuum at kumuha siya nang lumang damit. Nag linis mona siya sa kabuuan nang bahay at pinalibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan at napalaki nito namangha siya sa ganda nang desenyo nito.
Mga ilang oras din bago siya na tapos. Ngunit napansin niyang wala man lang kahit ni isang litrato nang binata.
Napa igtad siya sa kanyang ginagawa nang marinig niya tunog nang telepono.
Agad niyang pinunasan ang kanyang mga kamay at dali dali niyang tinungo ito.
"He---llo". Utal niyang sabi.
"Baby"..
Nang narinig ni Maya ang baritonong boses na nang nasa kabilang linya agad niya itong nakilala.
"Hey, Axues." Saad niya nito.
"Kumain ka na ba? Tanong nang binata sa kanya.
"A--nong oras na ba?
"Maya don't tell me na di ka pa nag tanghalian?" Kuryosidad na tanong.
"Ahmm. May ginagawa kasi ako di ko lang namalayan kung anong oras na".
Bumuga nang malalim na hininga ang kausap niya "Okay I've been there in 10 minutes. Relax your self napagod kita kagabi. Baka naman mabinat ka niyan, wag mo akong pag alalahanin masyado. Okay?"
Namumula ang mga pisngi ng dalaga nang narinig niya ang huling sinabi nang binata.
"O--okay"..
"Okay, bye!" Huli nitong sabi at binaba agad ang tawag nito.
Naguguluhan si Maya sa mga nangyari sa kanilang dalawa nang binata hindi niya na alam kung ano ba ang i-status nilang dalawa.
Dali dali niyang nilinis ang mga naiwan niya at agad siyang nag tungo sa kuwarto at nag bihis. Kumuha siya nang dalawang pares nang pang bahay, nag sout lamang siya nang shorts na cotton at kulay dilaw na damit, na hipit sa kanyang ma kurbadong katawan. At nag lagay lang nang manipis na kolorete sa mukha.
Napangiti siya nang makita niya ang kanyang kabuuang katawan sa harap nang salamin. Napaka ganda niya rin kasing dalaga.
Nang nasa probinsya siya mag babakasyon napa karami din ang nag kakagusto sa kanya. Nag sisigandahang mga sasakyan ang pumaparada sa harap nang kanilang bahay. Ngunit ni minsan ay wala siyang tinanggap na manliligaw.
Nakalipas nang ilang minuto bumaba siya sa sala. Agad naman niyang nakita ang sasakyan nang binata na kakabago pa lang dumating. Agad siyang nag tungo sa labas at sinalubong ang binata na napakapalad na ngiti.
Naguguluhan din siya sa kanyang sarili na tila ba may sariling utak ang kanyang katawan. Na sinalubong niya ito at yumakap sa kakabago lang na taong dumating.
***
Nang makita ni Axues si Maya na tila ba napaka saya niya. Agad din nawala ang init nang ulo niya kanina pa.
Dali dali siyang lumabas at nag tungo sa likod nang sasakyan at kinuha niya kanina ang kanyang pinamili na pagkain.
Agad naman niya sinalubong ang dalaga at nagulat siya nang biglang itong yumakap sa kanya.
"Hey, baby miss me?" saad niya nito at ginagawaran niya ito nang matamis na halik sa labi.
Tinampal siya nang mahina sa balikat nito. "Axues, nang aasar ka ba? Syempre Oo miss kita". Agad namang napahawak si Maya sa kanyang bigbig na tila ba'y nagulat siya kanyang sinasabi.
"Ohhmmm. Miss ako nang baby ko". Nang may pang uudyok na boses.
Yumuko na lang si Maya dahil sa sinabi nang binata at para narin siyang nahihiya. Sa inaakto niya kanina.
Nang naka pasok na silang dalawa sa sala. Naka kunot ang noo ni Axues habang pinalibot niya ang kanyang mga mata sa kalooban nang bahay..
"Nag linis ka?" tanong nito sa kanya habang na pamulsa.
"E kasi nababagot ako e."
"Baby". At lumapit ito sa kanya at umupo ito sa sofa habang iginaya niya si Maya na pina upo ito sa kanyang paa at ang kamay niya ay ka pulupot sa bewang nang dalaga.
"Binahay kita, dahil gusto kita at ayaw kong makita na nahihirapan ka." Saad niya nito kay Maya habang sabay halik halik ito sa balikat nang dalaga.
Sa di malabang dahilan may kunting pumiga sa puso ni Maya. "Ay, gusto lang pala." sabi niya sa kanyang sarili habang nanunubig ang mga mata niya. Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi upang pigilan ang sarili na maiyak.
Nilinis niya muna ang kanyang lalamunan. Bago siya nag salita. "Kumain ka na ba?" tanong niya nito sa binata. "Akin na yang dala mo dadalhin ko lang to sa kusina upang makakain na tayo."
At agad siyang tumayo mula sa kakaupo sa paa nang binata. Yumuko siya upang di mapansin nang binata ang kanyang namumulang mga mata.
At dali-daling nag tungo sa kusina. Nang nakarating siya mesa agad siyang nagpakawala nang malalim na hininga. At pinunasan niya ang kanyang mga pisnge na may dumaloy na mga butil na luha nito.
Napahawak siya sa nang kanyang dibdib na tila moy may pumipiga nito. Habang tuloy-tuloy parin ang punas niya sa kanyang mga luha. Na animo'y parang gripo.