SA opisina ni Bernard, nasa tabi niya ang asawang si Gretel. Labis ang pag-aalala sa mukha nito.
"Pa'no nangyari 'yon, hon?"
"I don't know. You know me, hon. Hindi ako gagawa ng ikakasira ng ating pamilya. Lalo na ng mga negosyo na ibinigay sa akin ni papa. Lumaki ako sa hirap at mahalaga sa akin ang mga naiwan niya sa akin," sagot ni Bernard. Nanghihinayang siya kung mawawala ang lahat ng pinaghirapan nila ng ama niya. Tanging ang mga negosyo nila ang maipapamana niya kay Bern pagdating ng araw. At hindi niya malakayanan kung mawawala ito sa kaniya.
Walang pumapasok sa kanyang isipan. Panong mayroong nawawalang malaking halaga sa kompanya? Everything is only in his hands. Walang ibang nakakahawak ng pera na pumapasok at lumalabas sa negosyo niya. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan pagdating sa pera. Minsan nang ginawa niya ang lahat para mabawi ang negosyo nina Gretel sa kamay ni Rafa noon. Pero, paanong nakalusot ang magnanakaw sa kanyang sariling kompanya?
"What we will do now?"
Umiling si Bernard. "I don't know, hon
Hanggang ngayon wala pa akong naiisip na solusyon. Gusto ko na lang na matapos na ang problemang ito."
Malungkot na hinawakan ni Gretel ang kamay ng asawa. "Sasabihin ba natin ito kay Gretel?"
"No. Labas si Bern sa problema ko. Alam ko na malalampasan natin 'to."
'Di niya gustong pati ang anak ay madamay sa problemang kinahaharap niya ngayon. Masisira ang saya sa puso nito.
"Let's have a vacation. Why don't we go to our old house?" Suhestiyon ni Gretel.
"Iiwan natin ang anak natin dito sa bahay?"
"Wala na tayong ibang paraan. 'Pag andito tayo malalaman at malalaman ng anak mo. Anong gusto mo, lumabas ang isyung ito pagkatapos ay malaman ni Bern? O umalis muna tayo para magpalamig? Kaua natin 'to, hon. Andito ako para tulungan ka. Magtutulungan tayong dalawa," sagot ni Gretel.
Inakbayan ni Bernard ang nalulumbay nga asawa. Muling sinusubok ang kanilang pamilya, katulad noon. 'Di naman sila bibitaw. Gagawin pa rin nila ang lahat para hindi mawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Pati na ang masayang pamilya na mayroon siya.
"CONGRATS! Wow! Let's celebrate your success, Bern!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan niya. Nakataas ang mga kopita na may lamang alak.
Pinayagan si Bern ng parents niya na sumama sa kanyang mga kaibigan at kaklase para icelebrate ang pagiging cumlaude niya.
"Thank you! Let's tose! Cheers!" Sigaw rin niya. Hindi mapatid ang saya at ngiti sa labi niya.
She has everything that she wants. Kahit hindi niya hilingin ay ibinibigay sa kanya. Dahil sa mga magulang niya na gagawin ang lahat para sa kanya. Sinusuklian niya iyon bilang mabuting anak at may busilak na puso.
May lumapit kay Bern na kaklase niya at may kasama ito.
"Bern, may friend pala ako na gusto kang makilala," sabi ng kaklase niyang lalaki.
Napahinto si Bern sa pag-inom at mabilis na inilapag ang baso sa mesa. Napatayo siya agad at napatingin sa dalawang lalaki. Inaaninag niya ang mukha ng isa. Pero dahil sa madilim at medyo may tama na siya ng alak ay parang wala lang sa kanya ito.
"Hi. I'm Ace Jaxon. And you are?" pakilala ng lalaki at napatingin si Bern sa kaklase niyang si Wlmer.
"Bern... Bern Dagger."
Inilahad ni Ace ang kanyang kamay para makipagkamay. Kinuha niya ang kamay nito. Pangit naman kung tatanggihan niya ang bagong kakilala.
Simula 'nong gabing 'yon ay hindi na nilubayan ni Ace si Bern. Natutukso na nga ang dalawa. At hayagan namang ipinapakita ni Ace ang pagkagusto sa dalaga.
"Pano ba "yan? Andito na tayo sa bahay namin," nahihiyang wika ni Bern. Nagprisinta si Ace na ito ang maghatid sa kanya pauwi. Wala si Irene kaya pumayag siya.
"Bern, may sasabihin sana ako."
"Seryoso ata. Ano ba 'yon?"
Nahihiya namang tumingin si Ace sa dalaga na nagmamatyag sa kanya. Naghihintay ng kanyang sasabihin. Napakamot pa iro sa kanyang ulo at tila kinakabahan.
"Hoy! Natutulala ka na d'yan. Ano nga ang sasabihin mo?" Dagdag pang tanong ni Bern.
"W-Will you allow me to court you?" tanong ni Ace sabay talikod sa kanya. "Nakkahiya kakakilala palang natin. Eto ako nagsasabi nito." Nagsasalita ito habang nakatalikod.
Si Bern naman ang natulala at parang napipilan sa narinig. Napatitig siya sa binatang nakatalikod pa rin sa kanya.
"E, bakit hindi ka humarap sa akin habang nagtatanong ka? Para 'di ka naman seryoso sa sinasabi mo. Pinaglalaruan mo ba ako?" Sunod sunod na mga tanong ni Bern na napataas ang kilay.
Biglang humarap si Ace kay Bern. Sunod sunod itong napalunok.
"No! Seryoso ako sa'yo, Bern. That's why I asked my friend to introduce me to you. 'Di naman siguro kita babakuran kanina sa bar kung wala akong intensyong ligawan ka. Papayag ka ba na ligawan kita?"
Wala sa loob na napatitig ang dalaga sa mga mata ni Ace. Ano bang isasagot niya sa tanong nito sa kanya? Ito na ba ang hinihintay niyang lalaki para sa kanya?
"Papayag ako. Pero sa isang kondisyon."
Nalaglag ang panga ni Ace sa tinuran niya. Akala siguro nito ay basta basta na lamang siyang papayag. Dalagang Pilipina ata siya. She is reserved for her first and last love.
"Okay lang. Sabihin mo at gagawin ko."
Napaismid si Bern. "Sure ka?" Mabilis na tumango si Ace bilang sagot sa kanya.
"Sabihin mo lang. 'Wag lang no."
Mariing napatitig muli si Bern sa binata. "Kailangan na sa bahay ka manliligaw at magpapakilala ka sa mommy at daddy ko."
Napahawak ang binata tapat ng puso niya. Nakahinga soyang maluwag nang sabihin ni Bern ang kondisyon niya.
"Akala ko talaga ay kung ano. Siyempre, iyon talaga ang gagawin ko. Dahil iyon ang tama para isang babaeng katulad mo," confident na sabi ni Ace.
Nakaalis na si Ace pero iniisip pa rin ni Bern ang binata. First time na mayroong lalaking naglakas loob na magpakilala at aminin sa kanya ang totoong nararamdaman nito.
Masarap sa pakiramdam na alam mong bukod sa kanyang ama, mayroong ibang lalaki na nagmamahal sa iyo. Ito ang isang kahulugan ng pagkakaroon ng ibang tao sa iyong buhay na nagbibigay ng pagmamahal at suporta, nagpaparamdam sa iyo na espesyal ka at mahalaga ka sa kanya.
Nag-init bigla ang pisngi niya. Napaklob siya bigla ng kumot. Bakit ba niya iniisip si Ace? Kakikilala lang nila kanina. Pero heto at 'di na ito maalis sa isipan niya.
Sunod sunod siyang umiling at mariing ipinikit ang mga mata, saka pinilit na makatulog.
"HINDI ka maniniwala..." abot-tenga ang ngiti ni Irene. "Guess what?"
Napakunot ang noo ni Bern. "May pa-guess what ka pa. Sabihin mo na lang. May ikukuwento rin ako sa'yo," suway niya na nakangiti.
"Hmm, mukhang mayroong nangyari na hindi ko alam," bulalas ni Irene habang tinatap ang kanyang pisngi.
"Ikaw na kaya ang unang magsabi," dagdag niya, na may pagtataka sa kanyang tinuran.
"I met a guy at the bar. And..." namumungay na panimulang kuwento ni Bern.
Nanlaki ang mata ni Irene. Natutop ang kanyang sariling bibig sa pagkabigla.
"And then?" Excited na sabi ni Irene.
"Sinabi niya kung puwede raw siyang manligaw sa akin," sagot ni Bern na may halong ngiti sa kanyang mukha.
"Anong sinagot mo sa kanya?" tanong ni Irene na puno ng interes.
"Pumayag ako. Pero sinabi ko ang kondisyon ko," kwento ni Bern.
Nawala ang ngiti sa labi ni Irene sa isinagot ni Bern. "Bakit may kondisyon pa? Pagkakataon mo na 'yon. Magkakaroon ka na ng boyfriend," tanong niya, puno ng pag-aalala.
"Siyempre konting pakipot naman. Kakikilala lang namin kagabi. Tsaka, gagawin naman niya ang kondisyon ko," paliwanag ni Bern.
Napabuntong-hininga si Irene. "E, ano ba ang kondisyon mo?"
"Sabi ko sa kanya na sa bahay niya ako ligawan. Tapos dapat magpakilala siya kina mommy at daddy," sagot ni Bern na may halong kaba sa kanyang tinig.
"Shuta ka! Dapat sinagot mo na. May pakipot ka pang nalalaman. Ang mga lalaki ngayon ayaw nila ng mahabang ligawan. Sige ka. Imbes na boyfriend na, e, naging bato pa. Madidiligan ka na sana, Bern. Tutuktukan kita talaga!"
Para namang nakaramdamn ng panghihinayang si Bern. Pano nga kaya kung tama si Irene? Pero hindi naman siguro. Galing mismo kay Ace na hindi ito aatras na ligawan siya. Totoo ang hangarin nito sa kanya. At hindi dilig o magkaboyfriend lang ang habol niya. Siyempre, gusto niyang maranasan ang love. Iyong feeling ng may taong may minamahal at minamahal ka.
"E, ikaw. Ano bang 'yong iku-kuwento mo?" Usisa ni Bern.
"May nakilala rin akong lalaki kagabi at sobrang guwapo," sabi ni Irene na may kasamang matamis na ngiti sa labi, habang inaaalala ang nakakaakit na hot bartender na kanyang nakaniig.
"Sana hindi mo siya panglaruan, Irene," sabi ni Bern na may halong pag-aalala sa kanyang tinig para sa bagong lalaking nakilala ng pinsan.
"I think this one is serious. At alam ko na magkikita kami ulit," dugtong niya na umaasang magtatagpo muli ang kanilang landas ni Tres.