Bumilis ang kabog ng aking puso habang nakabalot ang mga kamay niya sa katawan ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad at napatingin ang mga tao sa amin. Bininyagan ang bawat isa sa amin. Ito talaga ang tradisyon kapag nasa saktong edad na kami para pwede na kaming magpakasal pagkatapos neto. Kaso hindi ko alam kung mayroon bang lalaki ang magpapakasal sa akin. Natatakot ako na baka mabuhay ako dito na mag isa at walang asawa.
Pangarap kong maging asawa at magkaroon ng pamilya. Sana naman matupad ito balang araw. Nang kami na ang susunod na bibinyagan, napatingin ang nakakatanda sa amin at pinagmasdan si Fael. “Taga kabila po siya,” Sabi ko sa kanya ngunit ewan ko kung naniwala ba siya sa sinabi ko dahil mukhang hindi. Wala na siyang sinabi at bininyagan kami ni Fael. Pagkatapos ng prosisyon at binyag, nakita ko sila Kasa na nag uusap.
“Uwi na tayo?” Tanong ko kay Fael at tumango naman ito. Napatingin sa amin sila Kasa at lumapit.
“Cadfael, pwede ba kitang maimbitahan sa bahay namin? Kakain lang tayo ng hapunan.” Sabi ni Kasa. Masamang nakatingin sa akin sila Corazon at napayuko naman ako.
“Uuwi na kasi kami,” Sabi ni Fael sa kanya.
“Sige na, ngayon lang naman. Ipapakilala kita kay ama.” sabi ni Kasa. “Hindi ka naman tatanggi diba, Anya?” Tanong ni Kasa at dahan dahan akong tumango kahit ayaw ko. Ayaw ko na sumama si Fael sa kanya, ayaw ko na pipilitin niya si Fael na papakasalan siya dahil pakiramdam ko, yun ang kanyang plano.
Nakita ko na medyo binaba ni Kasa ang kanyang suot pang itaas at nakikita ang linya ng kanyang malaking s**o. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. “Dios mio,” Narinig kong sabi ni Fael ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.
“Sasama kaba?” Tanong ulit ni Kasa. Napatingin ako kay Fael at nakitang nakatingin ito sa dibdib ni Kasa kaya nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Agad akong tumakbo palayo sa kanila at narinig ko ang tawag ni Fael sa akin.
“Anya!” Tawag nito ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Lumingon ako ulit sa kanila ngunit hinila na ni Kasa si Fael kaya tuluyan na siyang nawala sa pananaw ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Bakit ba ako umiiyak? Hindi ko naman kasintahan si Fael, peke lang naman ang pagsama niya sa akin sa prosisyon.
Hinding hindi magustuhan ni Fael ang isang tulad ko. Mas gusto niya si Kasa dahil mas maganda at maganda rin ang katawan. Ano ba ang kalaban laban ko? Kahit anong gawin ko, hinding hindi ako magiging sapat.
Umupo ako sa tabi ng dagat at napahikbi dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Parati lang akong mag isa, walang nagkakagusto sa akin at wala rin akong mga kaibigan. Bakit ba ang lungkot ng buhay ko? Bakit kailangan ko pang maranasan ang mga ito?
Madilim na ang paligid ngunit hindi ako makauwi dahil hindi pwede na hindi ko kasama si Cadfael na umuwi sa bahay dahil hahanapin siya ni ama at papagalitan ako. Lumalamig na ang mga hangin galing sa dagat kaya niyakap ko ang aking sarili habang hinihintay si Fael.
Maraming tanong ang pumasok sa aking isip. Anong ginagawa nilang dalawa? Bakit hindi pa rin nakakabalik si Fael? Hindi ko mapigilan na maramdaman ang selos sa puso ko. Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman. Gusto ko na ata si Fael, gustong gusto ko na siya at ayaw ko na magkasama sila ni Kasa.
Matagal akong naghintay hanggang sa lumamig na ang katawan ko at hindi ko na nakayanan. Dahan dahan akong tumayo at niyakap ang katawan ko. Bumalik ako sa bahay at nakita ko na tulog na sila ama at ina. Buti naman, hindi na sila naghintay sa amin dahil sigurado ako na papagalitan ako.
Nagbihis ako ng makapal na damit dahil sobrang ginaw ng nararamdaman ko. Tumabi ako kay ina at nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. Hindi pa rin siya nakakauwi, baka masaya siya na kasama si Kasa. Hindi ko mapigilang mapaluha. Nakarinig ako ng mga yakap papunta sa loob at nakita ko si Fael na humihiga sa tabi ni ama.
“Anya,” narinig kong bulong niya pero hindi ko siya sinagot. “Gising ka paba?” Tanong nito pero hindi ko pa rin sinagot. Hindi na siya nagsalita pa at pinunasan ko ang mga luha ko.
**
Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Fael na natutulog pa. Wala na sila ama at ina at sinubukan kong umupo ngunit hindi ako makaupo dahil masakit ang katawan ko. Napaungol ako at binalot ang kumot sa aking katawan.
“I-Ina,” Mangiyak ngiyak na tawag ko at nakita ko na nagising si Fael at napatingin ito sa akin.
“Anong problema?” Tanong nito at umupo. Hindi ko siya sinagot at humarap ako sa pader. Iniwan niya ako kagabi na mag isa at ngayon nilalagnat ako. Sobrang sama niya, agad siyang sumama kay Kasa dahil pinakita ni Kasa ang dibdib niya sa kanya. Akala ko matino siyang lalaki, katulad lang pala siya sa iba.
“Anya,” Tawag nito sa akin.
“Anya?” Narinig kong tawag ni ama.
“A-Ama,” Mahinang sabi ko at nakaramdam ako ng kamay na humawak sa noo ko.
“Rosa, may lagnat si Anya.” Tawag niya kay ina at pinaharap ako ni ama sa kanya.”Saan ba kasi kayo galing kagabi?” Tanong ni ama kay Cadfael at natahimik naman si Fael.
“Gagawa muna ako ng lugaw,” narinig ko ang sabi ni Ina.
“Cadfael, punasan mo ng mainit na tubig ang noo at kamay niya.” Sabi ni ama at agad na tumango si Fael at lumabas si ama. Tahimik lang kami habang nakaupo sa tabi ko si Fael. Ayaw ko siyang makausap. Labis akong nasaktan sa ginawa niya kagabi. Iniwan niya ako at sumama kay Kasa.
Nakabalik si ama dala ang isang tela at mainit na tubig. Kinuha ito ni Fael at dahan dahan na hinpalos sa kamay ko. Humarap ako sa pader at narinig ko na napabuntong hininga ito.
“Hindi pa ako tapos,” Sabi neto. “Anya, tungkol kagabi, pasensya kana.” Sabi niya at bigla akong nakaramdam sa kirot ng aking puso. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang siya sa pagpunas ng sa aking kamay at sa noo ko.
“Anya,” tawag niya ulit. “Galit kaba sa akin?” Tanong niya.
“Hindi,” Bulong ko.
“Galit ka,” Sabi nito. “I’m sorry dahil sumama ako kay Kasa, alam ko na ayaw mo sa kanya.” Sabi niya. Eh alam niya pala eh, bakit siya sumama?
“Lahat naman ng lalaki nagkakagusto sa kanya kaya naiintindihan kita,” Sabi ko ngunit bakit masakit ang mga sinabi ko? Bakit ba ako nasasaktan ng mga konting bagay?
“Hindi ko naman gusto si Kasa,” Sabi niya.
“Gusto mo siya, tinitignan mo nga ang dibdib niya.” Sabi niya at hindi ako makapaniwala na sinabi ko yun. Bakit ko ba yun sinabi? Ang tanga ko talaga. Ayaw ko na malaman niya na nasaktan at nagseselos ako sa ginawa niya.
“Anya, lalaki ako kaya napatingin ako sa dibdib niya pero hindi ibig sabihin na gusto ko siya.” Sabi niya at hindi ko na siya sinagot. Maniniwala ba ako na hindi niya gusto si Kasa? Imposible naman kasi dahil lahat nagkakandarapa kay Kasa. Anong pinagkaiba ni Fael sa ibang lalaki? Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam ulit ako ng lamig sa katawan ko. Binalot ako ni Fael sa kumot at nilagay ang mainit na tela sa noo ko. “Wala bang medisina rito?” narinig kong bulong niya. Herbal ang gamit naman sa pagamot ng mga sakit rito kaya hindi ko alam ang sinasabi niya.
“Anya,” Narinig ko na naman ang tawag niya. “Galit ka paba?” Tanong niya. Bakit ba paulit ulit ang mga tanong niya. Galit pa rin ako sa kanya dahil nasasaktan talaga ako.
“Huwag mo na akong alalahanin, pumunta ka na lang kay Kasa.” Sabi ko sa kanya at napa buntong hininga naman ito.
“Bakit ba parati mo akong tinutulak kay Kasa?” Naiinis na tanong nito.
“Kasi gusto mo naman siya,” Walang emosyong sabi ko sa kanya.
“I told you, hindi ko siya gusto.” Naiinis na sabi niya. Sige, mainis ka diyan. Kulang pa yan dahil sa paghihintay ko kagabi habang nagsasaya siya sa piling ni Kasa.
“Sabihin mo na ang totoo,” galit na sabi ko sa kanya.
“Hindi ko nga siya gusto eh,” Sabi niya.
“Gusto mo,” Sagot ko.
“Isa kana Anya, hahalikan na talaga kita.” Nagulat ako sa sinabi niya. Nan lakihan ang mga mata ko nang makita ko si ama na pumasok sa loob habang tinitignan ng masama si Fael.
“Anong sinabi mo?” Pagbabanta ni ama at napahilot naman si Fael sa likod ng ulo niya at tinignan si ama.’
“Ahh, haha, wala yun.” Kinakabahan na sabi niya at nagulat ako nang hinawakan ni ama ang tenga ni Fael at kinaladkad palabas. “Aray naman!” Nasasaktan na sabi nito kaya hindi ko mapigilan ang pagtawa ko.
“Hahalikan mo ang anak ko?” Narinig kong tanong ni ama nang nasa labas na sila.
“Kung papayag kayo,” Narinig kong sabi ni Fael at nakarinig ako ng mga yapak na parang tumatakbo palayo.
“Sige, tumakbo ka dahil papatayin talaga kita.” Narinig kong sabi ni ama kaya hindi ko na mapigilan ang mahina kong pagtawa.