“Hindi naman totoo ang mga kwento ng mga prinsipe.” Sabi ni ama at narinig kong mahinang natawa si Cadfael.
“Totoo, maybe kung mahahanap ako ng kasamahan ko, dadalhin ko kayo sa aking palasyo.” Sabi ni Cadfael at nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba talaga ang sinasabi niya? Parang nagkaroon ako ng determinasyon na makita ang labas sa mundo namin. Ano kaya ang nasa labas? Maganda kaya doon? Bakit sinasabi ng mga tao dito na magulo raw ang doon?
“Hindi kami pwedeng lumabas sa lugar na ito. Kampante na kami sa buhay namin kung totoo man ang sinasabi mo.” Sabi ni ina.
Pinagmasdan ko si Cadfael, isa ba talaga siyang prinsipe? Sabi ng mga kwento sobrang gwapo ang mga prinsipe. Kung isa siyang prinsipe, may prinsesa rin ba siya? Parang hindi kapani paniwala na totoo pala ang mga kwento ng mga prinsipe, reyna at hari. Baka nagsisinungaling lang si Cadfael. Pero para naman talaga siyang prinsipe base sa deskripsiyon ng mga kwento.
Tahimik lang kami habang kumakain at hindi na nila tinanong pa si Cadfael. Hinugasan ko na ang mga plato at nagpahinga si Cadfael sa kwarto.
Malapit na mag gabi at lumulubog na ang araw kaya nag handa na ako ng matutulogan namin. Lahat kami magkatabi kapag natutulog at ngayon na nandito na si Cadfael, mukhang maging masikip ang higaan namin. Pumasok ako sa kwarto at nakita si Cadfael na umuupo habang hinahaplos ang noo niya. “Ihahanda ko muna ang higaan,” sabi ko sa kanya at tumango ito. Inihanda ko na lahat at pumasok na sila ina sa loob.
“Huh?” Narinig kong tanong ni Cadfael.
“Lahat kami magkatabing matulog.” Sabi ni ina.
“Tumabi ka as ina mo Anya at tatabi ako kay Cadfael.” Sabi ni ama at tumango naman ako. Napahilot si Cadfael sa kanyang ulo. Humiga na kami at medyo masikip na ang buong kwarto dahil apat kami. Tahimik lang kami at hindi ako makatulog.
Tinignan ko sila Ina at nakitang tulog na ang dalawa kaya tumayo ako at dahan dahan na lumabas. Pumunta ako sa duyan at umupo habang pinagmasdan ang mga bituin. Nagulat ako nang makita ko si Cadfael na lumabas. Napatingin siya sa akin at lumapit patungo rito. Napakagat labi naman ako. Umupo siya sa tabi ko.
“Hindi ako makatulog,” Sabi niya.
“Ako rin,” Mahinang sabi ko. Tahimik lang kami habang pinagmasdan ang langit at biglang bumilis ang kabog ng aking puso kaya hinawakan ko ang aking dibdib para pakalmahin ito. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Marami naman akong nakakausap na mga kaibigan kong lalaki pero hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa kanila. Bakit ganito ang epekto ni Cadfael sa akin? Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
***
Nagising ako dahil sa silaw ng araw at mga musika sa mga ibon sa kahoy. Nakaramdam ako ng may bumabalot sa aking katawan kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako nang makita ko si Cadfael na natutulog habang nakabalot ang kanyang mga kamay sa katawan ko. Naalala ko na lumabas pala kami kagabi at hindi na namin namalayan na nakatulog na kami rito sa duyan.
Bumilis na naman ang kabog ng aking puso at pinagmasdan siya. Kahit natutulog siya, sobrang gwapo pa rin. Ang kanyang maputi at mapula na balat ay nasisilaw ng araw kaya mas lalo siyang lumiliwanag.
Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata at napatingin sa akin. Tinignan niya ang sitwasyon namin kaya uminit ang pisngi ko at inalis ang kanyang mga kamay ngunit mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. “Huwag ka munang aalis,” Sabi niya at nakasubsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Hindi ako makapagsalita dahil ngayon ko lang ito naranasan.
“Hoy hoy hoy, bitiwan mo ang anak ko Cadfael.” Pagbabanta ni ama kaya agad akong binitawan ni Cadfael at tumayo ako habang umiinit ang pisngi.
“Huwag kang gumawa ng nakakasama sa anak ko Cadfael kundi, hindi kana makakalabas sa isla na ito.” Pagbabanta ni ama.
“Ama,” Tawag ko nito dahil hindi naman masama ang ginawa ni Cadfael sa akin, nahihiya lang ako dahil gawain yun ng mag asa ang mga ganun.
“At ikaw naman Anya, wala kapa sa wastong edad, hindi kapa naka prosisyon at binyag. Magdilig kana ng halaman.” Sabi ni ama at napayuko naman ako.
“Wala naman akong gagawin na makakasama sa anak mo,” Sabi ni Cadfael. Nag igib ako ng tubig at iniwan silang dalawa. Napa buntong hininga naman ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Pagkatapos kong magdilig ng halaman, napag isipan ko na maligo sa ilog malapit sa amin. Kumuha ako ng pantakip sa katawan ko.
“Ama, Ina, maliligo muna ako sa ilog.” Tawag ko sa kanila at pumunta na ako sa ilog. Nakarinig ako ng mga yapak na sumusunod sa akin at napalingon ako sa likod ko ngunit wala namang tao kaya nagpatuloy ako sa aking destinasyon at napangiti ako nang makita ang ilog. Hinubad ko ang pantakip sa katawan ko at dahan dahan na hinubad ang mga saplot ko at pumunta sa tubig.
Nakarinig ako ng ingay sa gubat kaya tinignan ko kung may tao at nagulat ako nang may nakita akong pamilyar na damit na nakatago sa likod ng kahoy. Sumilip ito at nakita ko si Cadfael kaya napasigaw ako at tinakpan ang hubad kong katawan.
“Cadfael!” Galit at gulat na sabi ko. Ngumisi ito at lumabas galing sa tinataguan niya.
“Hi,” Sabi niya. Dahan dahan kong kinuha ang pantakip sa katawan ko.
“N-Nakahubad ako ngayon,” Kinakabahan na sabi ko. Nang makuha ko na ang pantakip sa katawan ko sinuot ko ito. Nan lakihan ang mga mata ko nang makita siya na hinubad ang damit niya. “A-Anong ginagawa mo?” Kinakabahan na tanong ko.
“Maliligo,” Sabi niya at tumalon sa ilog. Napapikit ako nang tumalsik ang mga tubig sa akin. Ang galing niyang lumangoy kaya napahanga naman ako habang tinitignan siya. “Halika,” Sabi niya at dahan dahan akong lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang bewang ko at pinalapit ako sa kanya. Parang may nararamdaman akong kakaiba sa tiyan ko.
“Ganda,” Narinig kong bulong niya at biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nahihiya kong tinanggal ang mga kamay niya sa katawan ko at lumangoy sa ilalim ng tubig. Sumunod siya sa akin at nagpatuloy lang kami sa paglangoy. Tumigil na kami sa paglangoy at umupo ako sa may bato. Umupo siya sa tabi ko at nakarinig ako ng mga boses sa likod kaya agad kong hinila si Cadfael pababa para makatago.
“May mga tao, huwag kang magpakita.” Sabi ko sa kanya.
“Bakit–
“Shhh,” Sabi ko at nagulat ako nang makita ko sila Maria at Corazon, sila ang mga taong parati akong inaaway. Wala akong mga kaibigan rito dahil sa kanila. Hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng galit nila sa akin, wala naman akong ginawang masama sa kanila.
“Nandito pala si Anya, ang babaeng walang nagkakagusto.” Sabi ni Corazon at narinig ko ang tawa ni Maria. Napayuko naman ako sa hiya dahil naririnig ni Cadfael ang lahat ng ito.
“Malapit na ang prosisyon Anya, meron nabang nagtangkang maging kaparis ka?” Tanong ni Maria.
“W-Wala,” Sabi ko at narinig ko ang mga tawa nila. Ang prosisyon at ginaganap dito sa tribu namin kapag malapit na sa saktong edad ang mga babae rito, ginaganap ang prosisyon kasama ang mga lalaki na magiging kaparis nila ngunit walang nagtangkang maging ka paris ako pero wala naman akong pakialam doon.
“Nakakalungkot naman, magpaganda ka kasi.” Sabi ni Corazon. Nagulat ako nang tumayo si Cadfael. Napasigaw sa gulat sila Corazon nang makita nila si Cadfael. Agad silang napatingin sa kanya at sa katawan niya.
“Diyos ko, saan nanggaling ang lalaking ito? Bakit napakagwapo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Maria.
“Bakit niyo inaaway ang girlfriend ko?” Tanong niya kaya nagtaka kaming lahat kung anong ibig sabihin ng “girlfriend”. Umubo si Cadfael. “Bakit niyo inaaway ang asawa ko?” Tanong niya ulit at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi rin makapaniwala sila Corazon sa narinig nila. Bakit niya sinasabi na mag asawa kami?
“A-Asawa?” Hindi makapaniwalang tanong ni Corazon.
“Oo, asawa. Ang maganda kong asawa.” Sabi niya at uminit ang pisngi ko nang inakbayan niya ako at nilapit ang mga katawan namin. “Sa oras na sasaktan niyo ulit ang asawa ko, hindi ko ito palalampasin.” Sabi ni Cadfael. Hindi makagalaw sila Corazon at alam kung hindi pa nila ma proseso si Cadfael. Ngayon lang rin ako nakakita na ganito kagwapo ni Cadfael, wala ito sa isla namin.
Hinila ako ni Cadfael palayo sa kanila at pabalik sa bahay.
“Bakit mo sinabi yun?” Tanong ko sa kanya.
“Ikaw, kung aawayin ka ng mga yun, lumaban ka.” Sabi niya at napayuko naman ako.
“Wala rin naman akong kalaban laban sa kanila.” Sabi ko sa kanya. Magaganda sila Corazon at Maria at maraming nagkakagusto sa kanila dito sa amin at nasa mataas na ranggo ang kanilang pamilya rito.
“Anong wala, eh mas maganda kapa.” Sabi niya at uminit ang pisngi ko. Pinahinto niya ako at pinaharap ako sa kanya. “Sobrang ganda mo, Anya.” Seryosong sabi ni Cadfael at hinaplos ang mga buhok ko. Napayuko ako sa hiya ngunit, hinawakan niya ng bibig ko at dahan dahan akong pinaharap sa kanya.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanyang mga mapupulang labi.