Episode 15: Pag ibig

1569 Words

Natigil na ako sa pag iyak at nakayap pa rin si Fael sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Pinunasan niya ang mga luha ko at kumuha ng damit at dahan dahan na pinasuot sa akin. Nakaramdam ako ng sakit sa aking ari at napangiwi ako sa sakit nang sinubukan kong tumayo. “Dahan dahan,” Sabi ni Fael at pinahiga ako ulit. “Humiga ka muna at magpahinga,” Sabi niya at tumango naman ako at binalot niya ang katawan ko sa kumot. Lumabas siya at napatingin ako sa kisame. Ginawa na namin ni Fael ang gawain ng mag asawa at sabi niya papakasalan niya ako ngunit natatakot ako na baka iwan na niya naman ako. Sana naman hindi mangyari yun. Maya maya, pumasok ulit si Fael sa bahay at may dala na siyang pagkain. Umupo naman ako at nilagay niya ang pagkain sa tabi ko. “Kumain kana,” Sabi niya at tumango

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD