Nakahiga ako ngayon sa kama habang hinihintay si Fael na makabalik. Gabi na at umalis na rin si Loreta kaya mag isa na lang ako rito. Tapos na rin akong kumain at gusto ko lang na makita na si Fael. Sobrang nasaktan pa rin ako sa nangyari kanina, masakit pa rin ang braso ko at may konting pasa dahil sa higpit na pagkahawak sa ina ni Fael. Napayuko naman ako at hinaplos ang malaki kong tiyan. Bumukas ang pinto at napangiti ako nang makita ko si Fael ngunit mukhang pagod na pagod ito. Agad akong tumayo at niyakap siya. “Fael, namiss kita.” Masaya na sabi ko at hinaplos niya ang likod ko. “Pasensya ngayon lang ako nakabalik,” Sabi niya at tumango naman ako at pinahiga niya ako sa kama at hinalikan sa pisngi. “Anong ginawa mo kanina?” Tanong niya at napayuko naman ako. Hindi ko pwedeng sabi

